Desisyon ng IATF sa apela ng simbahan sa bilang ng mga dadalo sa misa, hinihintay pa ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total views

May 29, 2020-2:31pm

Inaantabayanan pa rin ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force sa paglilinaw na hiling ng simbahan kaugnay sa religious activities.

Ito ay kaugnay na rin sa panuntunan ng IATF na pinapayagan lamang ang limang katao sa dumalo sa misa sa ilalim ng Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) at 10-katao sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, inatasan ni Davao Archbishop Romulo Valles si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara bilang kinatawan ng simbahan sa pulong kasama ang IATF.

“Dahil siya ay nasa Davao (Archbishop Valles), inatasan nya si Bishop Mylo na makilahok sa meeting ng IATF para mai-present ano yung mga concerns. Tapos tingnan natin, aralin natin,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air sa Radio Veritas.

Sa Lunes, unang araw ng Hunyo-ipapatupad ang transition ng Metro Manila mula sa MECQ, patungong GCQ.

Una na ring nadismaya si Manila Administrator Bishop Broderick sa lumabas na panuntunan na 5 hanggang sa 10-katao lamang ang maaring makapasok sa mga parokya sa mga lugar na umiiral ang MECQ at GCQ o mas maluwag na panuntunan ng community quarantine.

Palinawag ng Obispo, ito ay hindi ‘practical’ lalu na sa malalaking simbahan.

“Siguro, instead na magbigay ng fixed na number, magandang magbigay ng density. Parang ilan per square meter?,” dagdag pa ni Bishop Gaa bilang pagsang-ayon.

Una na ring naglabas ng health protocol ang CBCP para sa mga mananampalataya kaugnay sa pagsisimula ng misa sa mga parokya.

Inamin naman ni Bishop Gaa na hindi kasama sa panuntunan na naihanda ng simbahan ang usapin kaugnay sa contact tracing na malaki ang maitutulong para sa pagtukoy sa mga posibleng mahawa ng sakit.

Una na ring inihayag ng IATF na pinag-aaralan ang mga naging suhestyon ng simbahan bagama’t hindi pa inaasahang mailalabas ang desisyon sa pagsisimula ng mas maluwag na panuntunan sa Lunes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 160,289 total views

 160,289 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 190,512 total views

 190,512 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 217,158 total views

 217,158 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 312,131 total views

 312,131 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 322,745 total views

 322,745 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top