Mamamayang apektado ng COVID-19 pandemic, bibigyan ng kabuhayan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

June 15, 2020, 2:17PM

Tiniyak ng social arm ng Archdiocese of Manila na nakahanda itong tumulong sa pagbibigay ng kabuhayan sa mamamayan lalo na ang mga higit apektado ng krisis na dulot ng pandemya.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila mahalagang maturuan ang mamamayan na magkaroon ng pangmatagalang kabuhayan upang hindi umaasa sa mga ayuda na ibinibigay partikular na sa panahon ng kagipitan.

“Ang Caritas [Manila] ay handang pumasok sa livelihood program sapagkat ito lang ang daan para maging sustainable ang buhay ng isang pamilya na hindi lang umaasa sa abuloy sa gobyerno o simbahan at makatatayo sa sariling paa,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Inihayag ng Pari na makipag-ugnayan ang Caritas Manila sa mga parokya at diyosesis upang matukoy ang mga benepisyaryong tutulungang makahanap ng trabaho o mabigyan ng puhunan upang magkaroon ng regular na pagkukunan ng kita na itutustos sa pangangailangan ng pamilya.

Ang mensahe ng pari ay kasabay ng pamamahagi ng manna food bags sa mahigit isandaang pamilya sa Longos Malabon na sakop ng Santa Clara ng Assisi Parish nitong nakalipas na Linggo ika-14 ng Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo o Corpus Christi.

Sinabi ni Father Pascual na magandang pagkakataon ang pamamahagi ng tulong na mga pagkain sa mga benepisyaryo lalo’t ipinagdiriwang sa Corpus Christi ang pagkain na magpapalakas sa kaluluwa at espiritwalidad ng tao.

“Sa diwa ng Corpus Christi tayo naman ay nagbibigay ayuda sa mga mahihirap upang madama nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain kasi ang Eukaristiya pagkain sa kaluluwa ‘yan,” dagdag pa ng pari.

Batay sa ulat ng Caritas Manila umabot na sa halos walong milyong indibidwal ang napagkalooban ng tulong na food bags, ligtas COVID-19 kit at mga gift certificate sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor at organisasyon.

Hiniling ni Fr. Pascual sa mamamayan ang patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ang tunay na sinasagisag ng Banal na Eukaristiya at ang mensaheng hatid ni Hesukristo sa kanyang muling pagkabuhay.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 23,200 total reads

 23,200 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,751 total reads

 43,751 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 118,642 total reads

 118,642 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 204,012 total reads

 204,012 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 250,747 total reads

 250,747 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 298,619 total reads

 298,619 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 396,539 total reads

 396,539 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top