Bishop Pabillo, COVID free na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total views

August 2, 2020, 6:39PM

Nagpaabot ng pasasalamat si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling mula sa COVID-19.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, ganap na siyang COVID-19 free matapos mag-negatibo ang resulta ng kanyang ikalawang swab test ngayong linggo.

Lubos rin ang pasasalamat ng Obispo sa nadama niyang bisa ng panalangin ng bawat isa at sa awa ng Diyos na wala siyang anumang naramdamang sintomas ng sakit.

“Nagpapasalamat ako sa lahat na nagdasal sa akin. Naramdaman ko na mabisa ang inyong mga dasal.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Broderick Pabillo sa Radyo Veritas.

HInimok naman ng Obispo ang mga mananamapalataya na mag-alay ng panalangin para kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez Jr..

Paliwanag ni Bishop Pabillo, tulad ng pag-aalay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling ay marapat din isama sa pagdarasal si Bishop Iniguez na nagpositibo rin sa COVID-19.

“Ngayon isama natin sa ating dasal si Bishop Deogracias Iniquez na ngayon ay may sakit din.” Apela ni Bishop Broderick Pabillo.

Ayon sa Obispo, matapos na kanyang makompleto ang quarantine period ay muli na siyang makababalik sa kanyang mga normal na gawain kung saan nakatakda na ang kanyang muling pagsasagawa ng banal na misa sa Veritas Chapel sa susunod na Linggo, ika-9 ng Agosto.

“Next Sunday makakamisa na ako. Wala na akong virus pero tinatapos lang ang quarantine.” Ayon kay Bishop Broderick Pabillo.

Ika-23 ng Hulyo ng humiling ng panalangin si Bishop Pabillo sa mga mananampalataya matapos na magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR.

Samantala, nauna ng umapela ng panalangin si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgillo David para sa mabilis na paggaling ni Bishop Iniguez na nagpositibo rin sa COVID-19 at kasalukuyan ng naka-confine sa San Juan de Dios hospital.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 14,088 total views

 14,088 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 84,200 total views

 84,200 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,814 total views

 158,814 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,893 total views

 238,893 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,587 total views

 281,587 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,738 total views

 1,738 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top