Caritas Philippines, dismayado sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

August 5, 2020, 12:20PM

Dismayado ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na sa kasalukuyan ay umaabot na sa mahigit 110,000 ang kasong naitala sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines National Chairperson Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nakababahala na ang sitwasyon ng patuloy na pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na sakit sa bansa.

Dahil dito, umaapela ang Obispo ng pagiging disiplinado ng mamamayan sa pagsunod sa mga safety health protocols na ipinatutupad.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo sa pamahalaan na muling suriin ang ipinatutupad na mga paraan ng pagtugon sa krisis na dulot ng COVID-19 upang epektibong mawakasan ang pagkalat ng sakit.

“Nakakalungkot at saka siguro panawagan talaga natin hindi lamang sa ating mga kapatid na tuparin ang disiplina sa pagsunod ng health protocol at higit sa lahat panawagan natin sa ating pamahalaan na pag-isipan at pagsikapan na ma-stop at ma-flatten yung curve natin at saka hindi na makalat pa talaga (yung virus)…”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan na mabigyan ng ayuda ang mga pinakaapektadong mamamayan lalo na sa muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region at karatig lalawigan.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na mahalagang mabigyan ang suporta ang mga apektadong pamilya na pinagbabawalang lumabas ng tahanan.

“Siguro napaka-importante matulungan natin ang ating mga kababayan na mabigyan ng ayuda, ng sustento para maiwasan nila na huwag lumabas at maghanapbuhay. Yun ang nagiging sanhi minsan ng pagkalat (ng virus) yung ating crowd exposures nawawala yung social distancing, physical distancing. Panawagan natin sa ating pamahalaan tulungan po natin at magkaisa po tayo” Dagdag pahayag ni Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ika-4 ng Agosto muling ipinatupad ng pamahalaan ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na magtatagal hanggang sa ika-18 ng Agosto kasunod ng apela ng mga medical frontliners.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 12,854 total reads

 12,854 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 70,057 total reads

 70,057 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 155,423 total reads

 155,423 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 202,159 total reads

 202,159 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 250,031 total reads

 250,031 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 350,545 total reads

 350,545 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top