Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,321 total reads

August 13, 2020

Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay nagtataglay ng novel coronavirus.

Ayon sa obispo na isang Covid-19 survivor, bagama’t kinakailangan silang ibukod dulot ng nakakahawang sakit ay hindi nawa nila maramdaman ang paglayo at pag-iwas.

Iginiit ng Obispo na maraming paraan para ipadama sa mga nagtataglay ng karamdaman ang kalinga ng kanyang kapwa lalu na sa panahon ng kanyang pag-iisa.

“Hindi dapat natin sila pabayaan. Totoo i-isolate sila, pero inspite of isolation we can still make some steps to draw close to them and make them feel na hindi naman sila pinabayaan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Pastoral Visit on-air ng Barangay Simbayanan.

Binigyan diin ni Bishop Pabillo na sa panahon ni Hesus kung saan laganap ang ketong at pinandidirihan ng marami ay patuloy niya itong kinalinga at ipinaramdam na hindi sila nag-iisa.

“Si Hesus nga, He integrated people back to the community. Hindi lamang pinagaling, He integrated them back to the community. At tayo sana ganundin, kaya yung hamon sa atin is how do we minister for those who are sick with covid,” dagdag pa ng obispo.

Ayon kay Bishop Pabillo, ilan sa maaring gawin ay ang pangangamusta, pagdadala ng kanilang pangangailangan at suporta sa kanilang agarang paggaling.

Si Bishop Pabillo ay nagpositibo sa Covid-19 na bagamat isang asymptomatic ay sumailalim sa quarantine upang hindi na makahawa at tuluyang gumaling mula sa karamdaman.

Bukod kay Bishop Pabillo, ilang pang mga lingkod ng simbahan ang nagtatagkay ng Covid-19 kabilang na si Bishop-emeritus Deogracias Iniguez, at apat na pari mula Diyosesis ng Kalookan at Archdiocese ng Caceres.

Nauna rito, naglabas ng joint Pastoral Statement sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Seminaries at San Jose Bishop Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na humihikayat sa lahat ng mananampalataya lalu na sa lahat ng Church institution na tumugon sa COVID-19 pandemic “with the eyes of faith, with the heart of charity and with the armor of truth”.

Ang joint pastoral statement ay inindorso ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng C-B-C-P.

attachment:
https://www.veritas846.ph/joint-pastoral-message-of-cbcp-ecs-and-eccce/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,765 total reads

 13,765 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,372 total reads

 95,372 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,821 total reads

 128,821 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,120 total reads

 164,120 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,197 total reads

 390,197 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 295,812 total reads

 295,812 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 407,530 total reads

 407,530 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top