Jeepney drivers sa Metro Manila, gagawing miyembro ng Caritas Salve cooperative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,829 total reads

August 14, 2020

Manila,Philippines– Higit sa isang libo pitong daang mga jeepney driver ang tatanggap ng tulong mula sa Caritas Manila na lubhang apektado ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fr. Moises Ciego, head for Special Operations ng Caritas Manila, limang buwan nang walang pasada ang mga tsuper dahil sa umiiral na community quarantine kaya napipilitang mamalimos na lamang.

Bilang tugon ng simbahan, kabuuang 1,717 mga jeepney drivers sa Makati city ang tatanggap ng manna bags.

Inihayag ni Fr. Ciego na ang pamimigay ng tulong ay hinahati sa ilang grupo upang masunod ang physical distancing at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Bukod sa Manna bags, isasangkot ang mga driver sa Caritas Salve na kooperatiba ng Caritas Manila upang matugunan ang kanilang livelihood.

“Hindi lamang yun ang aming intensyon, kaya gina-gather natin ang mga drivers dahil pinaplano ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Caritas Salve ‘yung cooperative part ng Caritas Manila na isangkot sila sa isang kooperatiba. Kasi alam po naman natin na darating ang panahon na ipi-phase out ang kanilang mga jeep,” ayon kay Fr. Ciego.

Ibinahagi ng Pari na pinag-aaralan sa kasalukuyan ng mga manager ng Caritas Salve na tulungan ang mga jeepney driver maka-loan upang makabili ng modern jeep.

“Kaya ang mga managers ng Caritas Salve pinag-aaralan kung paano po sila magiging miyembro at paano magiging advantageous sa kanila ang pagiging miyembro sa kooperatiba and later on matutulungan silang makaloan o garantiyahan para makautang makabili ng bagong jeep”.paglilinaw ni Fr. Ciego

Nanatili pa rin ang pangamba ng mga tsuper ng traditional jeep na hindi na sila makapag-hanapbuhay dahil na rin sa isinusulong na modernization program sa pampublikong transportasyon.

Naunang inihayag ni Fr. Anton CT. Pascual, executive director ng Caritas Manila na kabilang sa long term solution ng simbahan sa suliranin ng mga tsuper ang pagbuo ng kooperatiba para magkaroon ng pansariling pagkakakitaan.

Noong ika-13 ng Agosto 2020, umabot sa 165 na jeepney drivers ang binigyan ng Caritas Manna bags sa Tutuban, Tondo, Manila.

300-daang jeepney drivers sa Taguig City ang binigyan din ng tulong ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,921 total reads

 29,921 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,794 total reads

 66,794 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,005 total reads

 85,005 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,333 total reads

 169,333 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,339 total reads

 205,339 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 215,231 total reads

 215,231 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 354,956 total reads

 354,956 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top