Taguri sa Maynila bilang ‘Province of China’, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total views

August 21, 2020-1:25pm

Nakababahala at hindi dapat ipagsawalang bahala ang pagtaguri sa Maynila-ang kabisera ng Pilipinas bilang probinsya ng China.

Ito ang reaksyon ni Fr. Angel Cortez, OFM- executive secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) kaugnay sa nalimbag sa isang produkto mula China ang ‘Manila, province of China’.

Ayon sa pari hindi dapat hayaan ng mga Filipino na pumasok sa sistema ang ganitong kaisipan na ang Pilipinas ay bahagi ng teritoryo ng Tsina.

Paliwanag ni Fr. Cortez, dapat na manindigan na pangalagaan ng bawat Filipino ang soberenya ng bansa mula sa pananakop hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

“Parang ito ay pamamaraan upang dahan-dahan tanggapin na rin ng mga Filipino, huwag tayong pumayag na maipasok sa sistema ng mga karaniwang tao, alam mo naman yung masa, madali nila itong tanggapin kapag sinabi niyang sunod. Sa akin hindi, tayo ay Filipino tayo ay nasa Pilipinas atin ang bansang ito at patuloy tayong kumilos para manatiling atin hindi lamang sa salita kundi sa buhay natin araw-araw,” ang bahagi ng pahayag Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Iniugnay rin ni Fr. Cortez ang kahalagahan na magising ang kalamayan ng bawat mamamayan sa mga nagaganap sa lipunan sa paggunita ngayong araw ng ‘Ninoy Aquino Day’ o ang paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni dating senador Benigno Aquino, Jr.

Ayon sa Pari, maituturing na kinakatawan ng dating senador ang mga makabagong bayani na lumalaban hindi lamang para sa soberanya kundi upang maprotektahan ang demokrasya ng bansa.

“Katulad na lamang ng ipinagdiriwang natin ngayon si Ninoy Aquino na para sa akin kumakatawan doon sa mga makabagong bayani na lumaban hindi lang para sa soberanya, hindi lang para sa demokrasya kundi ito ay simbolismo na dapat na tayong magising bilang mga Filipino,” dagdag pa ng pari.

Ayon pa kay Fr. Cortez, “So, para sa akin ay hindi ito biro, hindi rin ito isang bagay na dapat nating tanggapin bilang mga mananampalataya dahil alam natin tayo ay Filipino, tayo ay nasa bansang Pilipinas at pagkatapos nating lumaya doon sa tinatawag nating madilim na kasaysayan o bahagi ng ating kasaysayan ay lumaya tayo at maraming mga lumaban.”

Nauna ng isinulong ni Puwersa ng Bayaning Atleta Representative Jericho Nograles ang pagba-ban sa Chinese hair product na natuklasang nagtaguri sa Maynila bilang “province of China”.

Ipinag-utos naman ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang pagpapasara sa may apat na establisiyento sa Binondo na napag-alaman nagbebenta ng mga produkto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 102,035 total views

 102,035 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 125,194 total views

 125,194 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 146,468 total views

 146,468 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 308,439 total views

 308,439 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 4,800 total views

 4,800 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top