Obispo, humiling ng panalangin sa magkasunod na pagsabog sa Jolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 817 total views

August 24, 2020

Kinundina ng Apostolic Vicariate of Jolo ang dalawang magkasunod na pagsabog sa bayan ng Jolo, Sulu nitong Lunes, ika-24 ng Agosto.

Ayon kay Jolo Bishop Charlie Inzon, OMI, higit na kinakailangan ngayon ng mamamayan ng Jolo ang panalangin upang tuluyang magwakas ang mga ganitong uri ng karahasan na bumibiktima sa mga inosenteng indibidwal.

Umapela rin ang Obispo sa bawat isa na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng magkahiwalay na pagsabok at pinayuhan ang mamamayan na manatiling kalmado at mapagmatyag sa mga nangyayari sa bayan.

“Sa pangyayari na naman dito ngayon ay kinakailangan ng dasal para maiwasan yung mga ganitong pangyayari at saka dapat ipagdasal din yung mga naging biktima, yun yung dapat nating gawin at sa mga tao din maging kalmado pa din”.panawagan ni Bishop Inzon

Batay sa inisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP) naganap ang unang pagsabog sa bahagi ng Plaza Rizal sa tapat ng Paradises Grocery, Barangay Walled City, Jolo Sulu bago mag-alas-dose ng tanghali.

Nagmula ang pagsabog sa isang nakaparadang motorsiklo na nilagyan ng maraming improvised explosive device (IED) kung saan katabi nito ang isang 6×6 M35 military truck ng mga kawani ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army na katatapos lamang sa lingguhang pamimili.

Naganap naman ang ikalawang pagsabog pasado ala-una ng hapon sa hindi kalayuan ng lugar habang nagsasagawa ng ‘sweeping’ ang mga otoridad sa naganap na unang pagsabog.

Sa tala, siyam na indibidwal na ang nasawi sa insidente kabilang na ang limang sundalo at apat na sibilyan habang 17 ang sugatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 149,899 total views

 149,899 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 180,123 total views

 180,123 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 206,769 total views

 206,769 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 301,742 total views

 301,742 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 312,968 total views

 312,968 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top