Youth Volunteers, kinakailangan ng Caritas Manila sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

September 26, 2020-11:45am

Pinangunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang virtual celebration ng ika-67 anibersaryo ng Caritas Manila.

Sa homiliya ng Obispo sa misang ginanap sa Caritas Manila compound ay binigyang pagkilala at pasasalamat ang malaking bahaging ginagampanan ng mga benefactors at volunteers upang makapagpaabot ng tulong ang social arm ng simbahan sa mga nangangailangan sa lipunan.

“Kung nagagawa po ng Caritas Manila ang kanyang mga programa ito po ay dahil sa maraming mga benefactors na naniniwala sa gawaing kabutihan na ginagawa ng Caritas Manila kaya maraming Salamat po, so nandyan po ang mga benefactors na nagbibigay ng tulong, nandyan po ang mga volunteers na sila naman ang nagbibigay sa mga nangangailangan sa mga tulong na tinatanggap natin,” ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Giit ng obispo, hindi matatawaran ang dedikasyon na ginagampanan ng mga volunteer ng Caritas Manila na hindi lamang panahon ang inilaan kundi maging ang pagharap sa panganib sa kalusugan upang makapagbahagi ng tulong sa mga apektado ng krisis na dulot ng pandemic Coronavirus Disease 2019 sa bansa.

“Dahil po sa mga volunteers na yan naaabot po natin ang mga mahihirap kaya mahalaga po ang papel ng ating mga volunteers at ako po ay nagpapasalamat sa kanila, sa paglaan nila hindi lang ng kanilang panahon ngunit sa pagtataya nila ng kanilang kalusugan para makatulong sa kapwa kasi kailangan natin maabot yung mga tao,” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Nanawagan naman ang Obispo para sa pangangailangan ng Caritas Manila ng mga kabataang volunteers dahil sa limitasyon na dulot ng banta ng COVID-19 sa mga mas nakatatanda na karaniwang mga volunteer ng Caritas Manila.

Ayon kay Bishop Pabillo, marami pang mga programa ang Caritas Manila na nangangailangan ng tulong ng mga volunteers upang ganap na maisagawa para sa mga nangangailangan lalo na ngayong patuloy na humaharap ang bansa sa krisis na epekto ng pandemya.

“Ngayong panahon ng pandemic kailangan natin ng mga mas bata bata pa kaya ito’y panawagan sa mga volunteers natin ngayon maghanap pa kayo ng ibang mga volunteers na mga kabataan lalong lalo na yung ibang may edad na maghanap tayo ng kapalit sa ating paglilingkod marami po tayong mga programa, maraming kailangang abutin kaya patuloy pong pangangailangan natin ng mga volunteer,” panawagan ni Bishop Pabillo.

Pinangunahan rin ni Bishop Pabillo katuwang si Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual ang Ritwal ng Pagtatalaga ng mga Lingkod na may 3,000 volunteers ng Caritas Manila kung saan karamihan ay nakibahagi sa pamamagitan ng pagtutok sa virtual celebration dahil na rin sa mga limitasyon sa ilalim ng General Community Quarantine.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Thriving In Crisis Through Faith And Charity’ bilang pagkilala sa misyon ng institusyon na patuloy na makapagkaloob ng tulong sa mga nangangailangan sa kabila ng panganib na dulot ng COVID-19.

Sa nakalipas na 67 taon pinalalawig pa ng social arm ng Archdiocese of Manila ang mga programa tulad ng Caritas Margins, Restorative Justice Ministry, Segunda Mana at Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na nagpapaaral sa mahigit 5,000 scholar sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 66,367 total reads

 66,367 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 111,168 total reads

 111,168 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 133,370 total reads

 133,370 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 169,861 total reads

 169,861 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 386,505 total reads

 386,505 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top