Ugnayan ng tao sa Diyos, naibalik sa pamamagitan ng Birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 888 total reads

Muling naibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos dahil sa pagsang-ayon ng Birheng Maria sa plano Nito.

Ito ang pagninilay ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista–Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Del Pilar sa Our Lady of the Pillar Cathedral Parish o Imus Cathedral.

Ayon kay Bishop Evangelista, dahil sa pagtugon ni Maria sa plano ng Diyos na maging ina ng manunubos, isinilang ang tagapagligtas at muling naibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos, na nawala dahil sa kasalanan.

Paliwanag ng Obispo, na dahil kay Jesus na ating tagapagligtas, ang mga makasalanan ay natubos sa kasamaan at naging bagong sambayanan ng Diyos, bilang mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan.

“Sa pamamagitan ng Birheng Maria, Birheng del Pilar, naibalik ang ugnayan ng tao sa Diyos. Sa isinilang n’yang tagapagligtas, tayo’y naging bagong bayan ng Diyos,” pagninilay ni Bishop Evangelista.

Hinikayat din ng Obispo na ang bawat isa nawa’y makapamuhay sa pagmamalasakitan, pagtutulungan at pagmamahalan lalo na ngayong panahon ng krisis pangkalusugan.

“Inaasahan ng Diyos na humirang sa atin, tumawag sa atin para maging bagong bayan Niya na tayo’y mabuhay sa bukluran, mamuhay tayo sa pagmamahalan, pagmamalasakitan. That we live in communion with one another,” ayon sa Obispo.

Tinagurian bilang Nana Pilar, ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Oktubre ang kapistahan ng Mahal na Birheng del Pilar – ang patrona ng Diyosesis ng Imus at buong lalawigan ng Cavite.

Ginawaran ito ng Canonical Coronation noong ika-3 ng Disyembre, taong 2012, sa pangunguna ng noo’y Obispo ng Imus at ngayo’y Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples Luis Antonio Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 31,680 total reads

 31,680 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 54,031 total reads

 54,031 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 90,531 total reads

 90,531 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 311,156 total reads

 311,156 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 343,960 total reads

 343,960 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,605 total reads

 98,605 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top