Caritas Manila, umani ng papuri sa mga jeepney driver

SHARE THE TRUTH

 344 total views

Patuloy na binibigyan ng ayuda ng Caritas Manila ang mga jeepney driver na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa Metro Manila.

Ayon kay Caritas Manila executive director Fr. Anton CT. Pascual, napakahalaga ng misyon ng Simbahan na ipinapaalala ng World Mission Sunday na pagtutulungan upang maibsan ang kahirapan at kagutuman ng mga dukha sa bansa.

Inihalimbawa ng pari ang mga jeepney driver na ngayon ay nahaharap sa iba’t-ibang suliranin dahil sa krisis na dulot ng pandemya sa sektor ng pampublikong transportasyon na mas lumiit pa ang kita dahil sa social distancing.

“Ito nga napakahalaga nga ng ginagawa ng Caritas Manila na kawanggawa upang maibsan ang kagutuman ng ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya. Lalung-lalo na itong mga jeepney drivers at ang kanilang pamilya kasi di nga sila makalabas. Kung makalabas man ay maliit lang ang kita dahil sa distancing,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Pascual ang patuloy na isinasagawang pag-aaral ng Caritas Manila kaugnay sa binabalak na paglikha ng isang kooperatiba para sa mga jeepney drivers na malaki ang maitutulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Bahagi ng layunin ng pagbubuo ng kooperatiba ng Caritas Manila ay upang matulungan ang mga jeepney drivers na makapag-ipon, makapag-loan at magkaroon ng modern jeepney na bahagi ng modernization program.

“Tayo’y nagbabalak na sumuporta sa mga jeepney drivers, magtayo ng isang malaking kooperatiba para matulungan nga sila sa pagbili ng bagong jeep na siyang requirement ng gobyerno. Pero kailangang magkaisa ang mga drivers. Sabi nga may 55-libong driver operators at kung merong tatlong driver na umeextra, siguro meron tayong mahina 200-libong drivers sa Metro Manila lang na jeepney. Napakalaking pwersa n’yan para magpalaki tayo ng isang kooperatiba, dun na sila humiram ng jeep, dun na sila mag-ipon, dun na sila mangutang at ‘pag kumita ang kooperatiba, hati-hati pa sila,” ayon sa kay Fr. Pascual.

Ayon kay Caritas Manila Special operations head Fr. Moises Ciego, bagama’t naaantala ang pagpapatupad ng nasabing kooperatiba ay patuloy pa rin itong pinag-aralan ng mga manager upang mas maging epektibo at maraming matulungan na mga jeepney driver.

Katuwang din ng Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong sa mga jeepney drivers sa Metro Manila ang Caritas Kalookan at Caritas Cubao.

CARITAS MANILA AT CARITAS KALOOKAN

Pagbabahagi ni Caritas Kalookan in-charge Fr. Marcelo Andamon, Jr. OMI, umabot sa mahigit 1,900 jeepney drivers na naapektuhan ng pandemya maging ng jeepney modernization project ng pamahalaan ang natulungan ng Caritas Manila katuwang ang Caritas Kalookan.

Nagpahayag rin ng pasasalamat ang pari sa tulong na ibinahagi ng Caritas Manila sa Diocese ng Kalookan maging sa mga tumulong na donors na naghahatid at nagpapakita malasakit para sa mga higit na nangagailangan na apektado ng pandemya.

“Nagpapasalamat po tayo sa Caritas Manila sa kanilang malasakit para sa Diocese ng Kalookan. Sa ngalan po ng ating mahal na obispo, Bishop Pablo David, nagpapasalamat po ako sa lahat ng donors natin na kung saan, sa kongkretong paraan ay ipinakita po nila ang kanilang malasakit sa mga drivers po natin at marami na po tayong natulungan,” ayon kay Fr. Andamon.

CARITAS MANILA AT CARITAS CUBAO

Ibinahagi rin ni Cubao Social Action Director Fr. Ronnie Santos na mas epektibo at malawak ang naipapaabot na tulong ng Simbahan para sa mga jeepney drivers na hindi makapamasada at walang kinikita sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawang social action arm ng mga diyosesis.

Sinabi ng Pari na hindi lamang ayuda ang hatid ng Simbahan kun’di maging ang pagbabago ng kaisipan sa pagpapalaganap ng kooperatiba at plant-based diet na nagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masustansyang paraan ng pamumuhay.

“Kasi sila po ‘yung mga wala pang pasada at yung iba ay bago pa lamang bumabangon. At kailangang-kailangan nila ng suporta ng simbahan kaya ang ganda po ng ginagawa ng Caritas Manila, Caritas Cubao, hindi lang po ayuda ang ibinibigay kung hindi pagbabago ng mentalidad, pagbabago ng kaisipan kasi we are promoting kooperatiba and also plant based diet para po hindi tumigil sa pangangarap ang mga mahihirap, nangangailangan,” ayon kay Fr. Santos.

Nagpasalamat din sa Caritas Manila si Fr. Victor Angelo Parlan, parochial vicar ng Diocesan Shrine and Parish of Saint Joseph sa Project 3, Quezon City sa ipinamahaging tulong ng Caritas Manila sa mga tsuper ng jeep.

“Sa ngalan po ng pamayanan namin dito sa St. Joseph Shrine at ‘yung mga barangay na nasasakupan namin dito, nais naming magpasalamat sa mga generous benefactors at donors na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Caritas Manila. Lalo na dito sa amin na maraming jeepney drivers na halos kalahating taon na natengga ‘yung kanilang pasada, sila talaga ‘yung kumbaga yung priority ng aming mga tinutulungan.” ayon kay Fr. Parlan

Lubos din ang pagpasalamat ng Pangulo ng mga jeepney driver association sa Project 2 at 3 na si Sonny Bernardo, sa ipinamahaging tulong ng Caritas Manila.

Ayon kay Bernardo, napakalaking bagay ng tulong na ito sa bawat jeepney drivers na higit na naapektuhan ng pandemya mula ng ipinatupad ang lockdown noong buwan ng Marso.

“Napakasarap po na kami po’y makatanggap ng tulong galing po sa Caritas Manila kasi malaking bagay po sa mga pamilya namin ‘tong naibigay na tulong sa amin. Sa mga donors naman po, laking pasalamat po namin sa kanila. at sana po sa susunod, matulungan pa po kami ulit kasi ang hanapbuhay po namin ngayon ay hindi po talaga sustainable. kumbaga, 50% lang ang karga ng jeep namin, na halos di po kami makaboundary. maka-boundary man po kami, kikita kami kakapiranggot lang po.,” ayon kay Bernardo.

Sa tala, 120 jeepney drivers ang natulungan ng Caritas Manila na may rutang MCU-Sangandaan sa Kalookan; 170 drivers mula sa grupong Piston na may rutang Project 2 at 3 sa Quezon City; at 240 drivers naman mula sa grupong BASICANO sa Camarin, North Caloocan.

Nabigyan din ng ayuda ng Caritas Manila ang mga jeepney driver sa Tondo, Navotas, Taguig at Pasay City.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 21,689 total views

 21,689 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 25,934 total views

 25,934 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 32,849 total views

 32,849 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 48,227 total views

 48,227 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 60,651 total views

 60,651 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, umaasang tugunan ng Bayombong-RTC ang petisyon laban sa OGPI

 3,740 total views

 3,740 total views Hinihiling ng opisyal ng Diocese of Bayombong na masusundan pa ang mga hakbang upang mapigilan at mapahinto ang mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya. Ayon kay Diocesan Social Action Director, Fr. Christian Dumangeng, maituturing na tagumpay ang maipasa sa Bayombong Regional Trial Court ang Petition for Certiorari upang bawiin ang Financial or Technical Assistance

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

FTAA sa mining operations ng OceanaGold Philippines, pinababawi

 3,778 total views

 3,778 total views Iginiit ng dating pinuno ng Barangay Didipio sa Kasibu, Nueva Vizcaya na noon pa ma’y marami nang hinaing ang mga apektadong pamayanan dahil sa pinsala ng mining operations ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) sa lugar. Ayon kay dating Didipio Barangay Captain Erenio Bobolla, iba’t ibang resolusyon ang ipinalabas ng kanyang konseho upang tutulan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

OceanaGold Philippines, kinasuhan sa Bayombong RTC

 4,786 total views

 4,786 total views Mariing nanindigan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao upang mahinto ang operasyon ng pagmimina sa Barangay Kasibu, Didipio, Nueva Vizcaya. Ayon kay Bishop Mangalinao, maituturing na ilegal ang Didipio mining operations ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao at pangkalikasan. Ang pahayag ng obispo ay bahagi ng kanyang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Solidarity action laban sa Manila Bay Reclamation Project, isasagawa

 9,355 total views

 9,355 total views Maglulunsad ng mga pagkilos ang simbahang katolika, iba’t ibang denominasyon, at makakalikasang grupo bilang patuloy na panawagang ihinto ang Manila Bay Reclamation Project, at paggunita sa Earth Day 2024. Ito ang People’s Earth Day Gathering to Defend Manila Bay na isasagawa sa Sabado, April 20, 2024 mula alas-dos hanggang alas-5:30 ng hapon. Simula

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Maging environmental warrior, hamon ng Obispo sa mga Senado

 9,384 total views

 9,384 total views Naaalarma na ang opisyal ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mapaminsalang epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, bilang mga katiwala ng daigdig, ang bawat isa’y may pananagutan upang pangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Rock for Masungi solidarity event, isasagawa sa UP

 5,968 total views

 5,968 total views Magsasagawa ng solidarity event ang Friend of Masungi bilang suporta at panawagan para sa Masungi Geopark Project. Ito ang Rock for Masungi na gaganapin sa Linggo, April 21, 2024 mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nuebe ng gabi sa GT Toyota Asian Center Auditorium sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Layunin ng

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Year of Prayer 2024: Paghahanda, tungo sa kabanalan

 6,540 total views

 6,540 total views Naglabas ng liham-sirkular ang Diyosesis ng Imus hinggil sa pagdiriwang ng Year of Prayer 2024. Inihayag ni Bishop Reynaldo Evangelista na napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kasama ang Presbyterial Council ng diyosesis, na ngayong taon ay bibigyang-tuon ang pagpapaigting sa buhay panalangin at kabanalan ng bawat mananampalataya. Ayon kay Bishop Evangelista, paghahanda na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Environmental group, sang-ayon na imbestigahan ng Senado ang pagmimina at quarrying sa bansa

 7,078 total views

 7,078 total views Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa. Layunin ng Senate Resolution No. 989, ang paghihikayat sa mga mambabatas sa senado na imbestigahan ang malawakang pinsalang dulot ng pagmimina at quarrying sa kalikasan, maging sa buhay ng

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

SOHSPH Inc., kinampihan ang Masungi Georeserve Foundation

 12,651 total views

 12,651 total views Suportado ng Seeds of Hope Society Philippines Inc. (SOHSPH Inc.) ang panawagan ng Masungi Georeserve Foundation laban sa binabalak na pagbawi sa kasunduan para sa Masungi Geopark Project sa Baras, Rizal. Ayon sa grupo, ang planong pagbawi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 2017 Memorandum of Agreement ay magiging dahilan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Legacy ng tinaguriang “dancing doctor”, kinilala ng CBCP-ECHC

 16,939 total views

 16,939 total views Nagpapasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) sa 35-taong paglilingkod ni Department of Health Undersecretary, Dr. Eric Tayag. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Dan Cancino na sa mga nagdaang taon bilang tagapagtaguyod ng kalusugan ay naging malikhain at matapang si Tayag sa pagsusulong ng mga

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

DENR, hinamong pangalagaan ang mga protected area sa bansa

 16,812 total views

 16,812 total views Dapat tiyakin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalawak ng mga layunin ng Masungi Georeserve Foundation sa pangangalaga sa protected area. Ayon kay Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, ito ang mahalagang pagtuunan ng DENR sa halip na ituloy ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement (MOA) para

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mayor Lacuna, pinakikilos ng EcoWaste sa bentahan ng iligal na skin lightening products

 12,000 total views

 12,000 total views Naniniwala ang EcoWaste Coalition na matutugunan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang laganap na pagbebenta ng ilegal na skin lightening products sa mga pamilihan sa lungsod. Ito’y matapos na ibahagi ng grupo kay Manila City Mayor Honey Lacuna ang mapa na makakatulong upang mapabilis ang pagtukoy sa mga tindahang nagbebenta ng mga ipinagbabawal

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

MOA cancellation ng DENR sa Masungi Geopark Project, tinututulan ng Caritas Philippines

 22,988 total views

 22,988 total views Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang binabalak na hakbang ng DENR ay hindi makatutulong sa layuning pangalagaan ang kalikasan laban sa tuluyang pagkasira. Ang nasabing kasunduan ay ang 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa ilalim ng pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez, kasama

Read More »
Photo courtesy: CBCP News
Environment
Michael Añonuevo

Bigyan ng pantay na pagpapahalaga ang kalikasan, panawagan ng Obispo

 24,533 total views

 24,533 total views Nananawagan ang Archdiocese of Capiz na isulong ang pagkakaroon ng balanse o patas na pagbibigay ng halaga sa pagitan ng kalikasan at negosyo. Ayon kay Archbishop Victor Bendico, maraming kagubatan at lupain ang naubos na ang mga punongkahoy dahil mas pinagtutuunan ang pagtatayo ng mga negosyo upang pagkakakitaan. “Maraming bukirin na ang nakakalbo

Read More »
Photo courtesy : PAGASA DOST
Environment
Michael Añonuevo

Matinding init, ganti mula sa pang-aabuso ng tao sa kalikasan

 23,004 total views

 23,004 total views Nababahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa. Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan. Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top