Pagkakatalaga ng Cebuanong Pari bilang Papal Chaplain, ikinararangal ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 791 total reads

Isang karangalan para sa Arkidiyosesis ng Cebu at ng mga Filipino ang pagkakatalaga ni Monsignor John Thomas Limchua bilang Papal Chaplain.

Ayon kay Rev. Msgr. Joseph Tan, ang tagapagsalita ng arkidiyosesis, indikasyon ito ng pagtitiwala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kakayahan ng mga Filipino na gampanan ang mga tungkulin ng paglilingkod sa simbahang katolika.

“Tanda ito ng kasiyahan ng Santo Papa Francisco sa serbisyo at paglilingkod ni Msgr. [John] Limchua sa Santo Papa at sa buong simbahang katolika,” mensahe ni Msgr. Tan sa panayam ng Radio Veritas.

Bukod sa pagiging Papal Chaplain, nauna nang naitalaga si Msgr. Limchua bilang opisyal ng Section for the Relations with States sa Vatican nitong Hulyo sa ilalim ng Secretariat of State of the Holy See.

Magsisilbing spiritual servant si Msgr. Limchua ng Papal household o Papal chapel.

Nagsimula si Msgr. Limchua sa diplomatic service noong Setyembre 2014 at naglingkod sa Apostolic Nunciature ng Benin at Togo sa West Africa at sa Egypt.

Nagtapos ang pari ng kanyang Theological studies sa Faculty of Theology sa University of Navarre sa Pamplona Spain habang ang kanyang doctorate in Canon Law naman sa Pontifical Lateran University sa Roma.

2010 naman ng maordinahang pari si Msgr. Limchua sa Arkidiyosesis ng Cebu at sumailalim ng diplomatic formation sa Pontifical Ecclesiastical Academy, ang Diplomatic school ng Vatican.

Nagpaabot ng pagbati ang arkidiyosesis kay Msgr. Limchua kasabay ng pananalangin para sa bagong misyong paglilingkod sa Santo Papa.

“Sa ngalan ng ating Arsobispo Jose S. Palma at sa lahat ng mga pari, relihiyoso at mga layko ng Cebu, binabati namin si Msgr. John Thomas Limchua sa karangalan na ipinagkaloob ng Santo Papa sa kanya bilang Papl Chaplain to His Holiness,” dagdag pa ni Msgr. Tan.

Bukod kay Msgr. Limchua, dalawa pang Cebuanong pari ang naging bahagi sa diplomatic service ang magkapatid na si Archbishop Osvaldo Padilla, ang Apostolic Nuncio Emeritus ng Korea at Archbishop Francisco Padilla na kasalukuyang Apostolic Nuncio naman ng Guatemala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 53,616 total reads

 53,616 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 90,182 total reads

 90,182 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 125,481 total reads

 125,481 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 351,751 total reads

 351,751 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 242,125 total reads

 242,125 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top