ACN-Philippines, kinondena ang paglapastangan sa mga simbahan sa Chile

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total reads

Kinondena ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need Philippines ang marahas na pang-atake sa mga simbahan sa Chile.

Hinimok naman ni ACN-Philippines National Director Jonathan Luciano ang mananampalataya na ipanalangin ang kaligtasan ng mamamayan sa Chile lalo na ang nasasakupan ng dalawang simbahang sinunog ng mga raliyista.

“We encourage everyone, our brothers and sisters, to unite in prayer and be in solidarity with our family in Chile,” pahayag ni Luciano sa Radio Veritas.

Giit ni Luciacno, kailanman ay hindi makatwiran ang paghahasik ng karahasan sa lipunan na nagdudulot ng higit pang kaguluhan dahil sa mas mangingibabaw ang pagkamuhi ng mamamayan.

Ika-18 ng Oktubre pinasok at sinunog ng mga raliyista ang St. Francis Borgia Church at ang pinakamatandang simbahan sa Santiago ang Church of the Assumption of the Blessed Virgin Mary na itinatag noong 1876.

Pagbabahagi pa ng ACN na noong 2019 naging sentro ang Chile nang pang-aatake at paglapastangan sa mga simbahan sa lugar nang magsimula ang malawakang pagkilos laban sa pamahalaan ng Chile.

Naniniwala si Luciano na tanging diyalogo o pag-uusap ang daan upang magkaroon ng pagkakasundo at kapayapaan sa pamayanan.

“While there may exist difference in belief, in principle, or in faith, all these may be peacefully reconciled through dialogue and communication,” ayon kay Luciano.

Nagpahayag rin ng pakikiisa si ACN Executive President Thomas Heine-Geldern sa Chile partikular na kay Rev. Fr. Pedro Narbona ang kura paroko ng Church of the Assumption na tagasuporta sa mga gawain ng ACN.

Batay sa tala ng Pontifical Foundation nasa 57 pang-atake sa mga simbahan sa Chile ang naitala simula noong 2019. Umaasa naman si Luciano na ang bawat mananampalataya ay maging instrumento ng kapayapaan tulad ng panawagan ng Panginoon sa bawat isa na palaganapin ang pag-ibig sa lipunan.

“Let us also please not promote further hate, and may we be instruments of love, understanding, justice, and forgiveness,” dagdag pa ni Luciano.

Ang Pontifical Foundation Aid to the Church in Need ay itinatag upang magbigay ng pastoral at humanitarian na tulong sa mga inuusig na simbahan at kristiyano sa buong mundo.

Sa halos pitong dekada ng ACN milyun-milyong indibidwal at simbahan na ang natulungan nito sa 145 mahihirap na bansa kabilang na ang Pilipinas.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,374 total reads

 5,374 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,096 total reads

 7,096 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 16,830 total reads

 16,830 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 54,208 total reads

 54,208 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 85,478 total reads

 85,478 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 161,924 total reads

 161,924 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 255,335 total reads

 255,335 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,375 total reads

 5,375 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top