Quiapo church, humingi ng paumanhin sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total views

Humingi ng pang-unawa ang Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa pagkansela ng taunang Traslacion tuwing Enero.

Ayon kay Reverend Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, bagamat nakalulungkot na hindi maisagawa ang traslacion sa pista ng Nazareno ay mahalagang pangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan.

“Sa mga deboto hinihiling namin yung pang-unawa sa sitwasyon, nakalulungkot man na hindi natin magagawa yung tradisyon natin at kultura ng pagdiriwang ng traslacion pero kailangan nating unawain ang desisyon; hindi talaga pwede ang Luneta to Quiapo na traditional procession kasi very risky,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Isa sa mga hakbang na iminumungkahi ng simbahan ang pagdadagdag ng mga misa sa loob ng siyam na araw ng nobenaryo lalu sa araw ng kapistahan sa ikasiyam ng Enero.

Tiniyak ni Fr. Badong sa mamamayan na susundin ang panuntunan na itinakda ng Inter Agency Task Force sa bilang ng mananampalataya na makadadalo ng misa sa loob ng simbahan.

Sinabi ng Pari na may mga volunteers na mga Hijos ang magiging katuwang ng mga pulis sa pagpatupad ng safety measures sa paligid ng Quiapo sa araw ng kapistahan upang matiyak na masunod ang physical distancing.

Balak din ng pamunuan ng Quiapo Church na humingi ng tulong sa mga simbahan sa buong bansa na magsagawa ng nobenaryo para sa kapistahan ng Poong Nazareno upang mabawasan ang mga debotong magtutungo sa Basilica.

“Ikakalat namin ang celebration sa buong Pilipinas, papakiusapan sana namin lahat ng simbahan na magsagawa ng mga novena masses para sa kapistahan nang sa ganun ay hindi na pumunta ang mga deboto dito sa Quiapo kundi doon na sa kani-kanilang simbahan,” dagdag ng pari.

Magugunitang sa taunang Traslacion nakapagtatala ito ng mahigit sampung milyong deboto ng Mahal na Pooong Nazareno ang nakikilahok sa prusison mula Luneta hanggang makabalik sa simbahan ng Quiapo ang imahe na tumatagal ng mahigit sampung oras.

Hiling ni Fr. Badong sa mananampalataya ang patuloy na pagdarasal para sa kaligtasan ng bawat mamamayan at makatuklas na bakuna na maaring lunas sa nakahahawang corona virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 8,608 total views

 8,608 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 38,831 total views

 38,831 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 65,482 total views

 65,482 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 160,455 total views

 160,455 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 181,273 total views

 181,273 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top