SOAP, inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation Inc.

SHARE THE TRUTH

 529 total views

Inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. (PJPS) ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty (PDLs) o S.O.A.P. campaign bilang bahagi ng paggunita ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon kay PJPS Executive Director Fr. Eli Rowdy Y. Lumbo, SJ, ang layunin ng S.O.A.P campaign na makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo at panlaba para sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City bilang proteksyon sa COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ng Pari na higit na mahalaga ngayong panahon ng pandemya na matiyak ang kalinisan ng mga bilanggo na higit na lantad sa iba’t ibang sakit dahil sa pagsisiksikan sa mga bilangguan.

“Sa amin sa PJPS – Philippine Jesuit Prison Service may panawagan po kami na sana makatulong tayo sa aming proyekto na makalikom ng pera o ng sabon. Ang pera ay ibibili ng mga sabon ng ating mga kapatid sa loob ng bilangguan sa New Bilibid Prison (NBP) at sa Correctional Institute for Women (CIW), sa NBP po ito po ang mga lalaki halos 27,000 – 28,000 po yung mga bilanggo dito at sa CIW mga almost 3,000. Nais sana natin makabigay sa kanila ng mga sabon – sabon pampaligo at sabon panlaba laban sa COVID-19”. pahayag ni Fr. Lumbo sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito nananawagan si Fr. Lumbo ng suporta para sa S.O.A.P campaign upang makapagpaabot ng tulong sa lahat ng halos 33,000 mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Nasaaad sa website na www.pjps.org.ph ang paraan upang makapagpaabot ng tulong in cash o in kind kung saan sa halagang 150-piso ay maaring ng magkaroon ng pang-isang buwang hygiene kit ang isang Persons Deprived of Liberty.

Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love” na gugunitain mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 5,067 total views

 5,066 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 42,877 total views

 42,877 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 85,091 total views

 85,090 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 100,613 total views

 100,613 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 113,737 total views

 113,737 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 16,690 total views

 16,690 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top