Pahayag ni Pope Francis sa same-sex union, taken out of context

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 923 total reads

by: Norman Dequia/Marian Navales-Pulgo

Walang binabagong batas ng simbahan si Pope Francis sa usapin ng same sex marriage.

Ito ang pahayag nina Veritas Pilipinas anchor priests Fr. Emmanuel Alfonso SJ, Executive director ng Jesuits Communication at Msgr. Pepe Quitorio kaugnay sa mga ulat na pinapayagan ng Santo Papa ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian.

Ipinaliwanag ni Msgr. Quitorio, director ng Media office ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na binigyan diin lamang ng Santo papa ang pagbibigay tuon sa karapatan ng mga homosexual bilang bahagi ng pamilya at ng lipunan.

“It is not a change of dogma, or document ng simbahan. Walang binago. Ang sa kanya lang (Pope Francis), bigyan ng atensyon ng civil government kasi may mga problema ‘yang ganyan and they are our brothers and sisters,” ayon kay Msgr. Quitorio.

Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Fr. Alfonso na ang lahat ay may karapatan na kalingain, igalang at mahalin na siya ring sinasaad sa mga dokumento ng simbahan.

“May karugtong daw yan. Tinanggal na ang ‘this doesn’t mean that I support homosexual act.’ Tinanggal yun. Ganun po talaga yan. Pangalawa, matagal nang turo ng simbahan at ito ang ang mahalaga na ang third sex na matagal na may mga dokumento na ang simbahan na ang people are differently orientated, dapat respetuhin pa rin natin. Respetuhin, kalingain, mahalin. So yun po ang context ng katuruan ng simbahan, hinihingi po na nagbigyan natin ng paggalang ang lahat ng tao anuman ang kanyang kasarian. Pangatlong punto nga natin iba po ang civil union sa marriage,” paliwanag pa ng pari.

Iginiit ng pari na ang ipinaliwanag ni Pope Francis ay ang pagkakaiba ng ‘civil union’ sa sakramento ng kasal na tinututlan ng simbahan sa magkapareho ng kasarian, subalit kinakailangan ng proteksyon sa ilalim ng civil law.

Ang kontrobersyal na pahayag ng Santo Papa ay mula sa documentary film na ipinalabas sa Roma, Italya.

“Hindi yan bago, yan ay bahagi ng isang documentary film na nag-premiere nung isang araw sa Roma, Italya. Pinik-up nila ang mga kontrobersyal statement,” dagdag pa ni Fr. Alfonso.

Tiniyak din ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP- Permanent Committee on Public Affairs na hindi nababago ang turo ng simbahan sa usapin ng pag-aasawa.

Ipinaliwanag ni Fr. Secillano na bukod tanging Santo Papa lamang ang makapagpaliwanag sa tunay na kahulugan ng “Una Ley de Convivencia Civil” na nagkaroon ng iba’t-ibang interpretasyon.

“Church’s law and doctrine on marriage didn’t change anyway. They remain the same. Meaning, marriage is between a man and woman. Our Constitution and existing laws also provide the same; The best interpreter of that remark, however, is the Pope himself!” pahayag ni Fr. Secillano.

Iginiit ng opisyal na hindi madali ang pagbabago ng doktrina ng simbahan lalo’t nag-ugat lamang ito sa panayam ni Pope Francis sa isang film documentary.

Inihayag ni Fr. Secillano na maaring gamitin ng LGBT groups at kanilang supporters ang pahayag ni Pope Francis para isulong ang kanilang agenda pero ang pamahalaan at lehislatura pa rin ang magpapasa ng batas kaugnay sa civil-union.

“The Pope’s remark may be used by LGBT groups and their supporters to advance their agenda. But at the end of the day, it’s still the government that’s responsible for enacting laws on civil-union and the church is expected to remain firm in its support for the traditional definition and meaning of marriage. Having said that, the Church also respects the dignity and recognizes the rights of the LGBT as mandated by present law legislations in our country’. Pahayag ni Pari

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 42,101 total reads

 42,101 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 79,710 total reads

 79,710 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 115,007 total reads

 115,007 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 341,277 total reads

 341,277 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 232,185 total reads

 232,185 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top