Apektado ng bagyo sa lalawigan ng Quezon, sinaklolohan ng Diocese of Gumaca

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 991 total reads

Kumikilos na ang Diocese ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon para magbigay ng tulong sa mga Parokya na mayroong mga residenteng nagsilikas at naapektuhan ng pagbaha.

Ayon kay Rev. Fr. Dondi Sayson, Social Action Director ng Diocese of Gumaca, nagbukas ang kanilang Parokya para sa mga residente na naapektuhan ng bgyo kung saan kumupkop din ang mga Simbahan ng mga evacuees.

Sinabi ni Fr.Sayson na una silang nagpadala ng ilang mga relief goods para makatulong sa mga Simbahan na mayroong evacuees magmula pa noong manalasa ang bagyong Pepito at ngayon ay muli silang nangangalap ng itutulong sa mga naapektuhan naman ng bagyong Quinta.

“Sa ngayon ay naka alerto naman ang mga parokya ng Catanauan, Pitogo, Calauag, at Lopez na naapektuhan din ng unang bagyo [Pepito] itong kay Quinta in-anticipate na nila ginawa nila yung mga tao pinatuloy sa kumbento gaya sa Catanauan para ma pre-empt na yung possible na pagbaha atleast nasa kumbento na sila.”Pahayag ni Fr. Sayson sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa kabila nito nagpapasalamat ang Pari na hindi na nagdulot ng mas malawak na pinsala ang nasabing bagyo ganun pa man ay kinakailangan pa rin ng tulong ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at pagkasira ng mga bahay o ari-arian.

“Nakapag deliver na kami last Saturday at Sunday yung aftermath ng kay Pepito pero ngayon yung kay Quinta naghahanap pa din kami ng possible na mapagkukunan ng relief goods.”

Maari aniyang maghatid ng tulong ang mga nais magbahagi ng pagiging mabuting Samaritano sa tanggapan ng Social Action Center sa Maharlika Highway sa Gumaca Quezon.

Samantala, kumikilos na din ang Diocese ng Libmanan sa Camarines Sur para magsagawa ng rapid assessment sa mga Parokya na nasa paligid ng Ragay Gulf.

Ayon kay Fr. Romulo Castañeda, Social Action Director ng nasabing Diyosesis, tutungo sila sa mga parokya na malapit sa dagat upang alamin ang pinsala ng bagyo at kalagayan ng mga nagsilikas na residente.

Sa mga post naman ng Facebook page ng Lipa Archdiocese Social Action Center o LASAC ay makikita ang pinsala ng bagyong Quinta sa Tingloy, Lobo at Ilijan Batangas kung saan naranasan ang malakas na hangin at pag-ulan matapos ideklara ang Storm Signal Number 3 sa lalawigan ng Batangas.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Radyo Veritas sa Diocese ng Virac sa Catanduanes, Diocese ng Legaspi sa Albay at maging sa Diyosesis sa Boac, Marinduque at Oriental at Occidental Mindoro para alamin ang sitwasyon sa mga nasabing lugar at pagkilos ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 105,483 total reads

 105,483 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 243,761 total reads

 243,761 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 359,538 total reads

 359,538 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 475,665 total reads

 475,665 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 124,240 total reads

 124,240 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top