Simbahan, nakaalerto kay bagyong Quinta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 864 total reads

Patuloy na nakaalerto at binabantayan ng Archdiocese ng Nueva Caceres sa pananalasa ng bagyong Quinta sa bansa.

Ayon kay Caceres social action director Fr. Marc Real, hindi gaanong sinalanta ng bagyo ang lalawigan ngunit may ilang residente ang lumikas sa ilang parokya dahil sa pagbaha.

“Relatively, compare sa mga nakaraang bagyo, hindi tayo masyadong na-grabe. Pero meron ding mga parishes na mga nag-house ng evacuees, meron ding mga floodings. Tuluy-tuloy din po ‘yung pag-monitor actually as of now, hindi pa namin nakukuha lahat ‘yung mga updates, mga status report ng ating mga parokya. Lalung-lalo na ‘yung mga malayo kasi ang tantiya namin may mga hindi makapag-communicate dahil down ‘yung kanilang cellphone, sa communication,”pahayag ni Fr. Real sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihahanda na rin ngayon ng Caritas Caceres ang mga ipamamahaging tulong sa mga nasalantang residente maging sa mga parokyang naapektuhan ng bagyo.

Ikalulugod naman ng arkidiyosesis kung may mga nais na magpahatid ng kanilang mga tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo.

“We really appreciate po kung may support o may assistance kasi po tuluy-tuloy habang mayroon po tayong mga evacuees. kahit nga po nakaalis na, binibigyan namin yung mga naapektuhan na masyado kasi po kumbaga nagre-rebuild sila ng kanilang mga bahay na na-damage. Syempre apektado ‘yung kanilang pamumuhay ‘yung hindi po agad makapagtrabaho kaya kailangan din nating bigyan ng pagkain,” ayon kay Fr. Real.

Inihayag naman ni Libmanan Social Action Director Fr. Romulo Castañeda na hindi naman nagdulot ng pinsala ang bagyong Quinta sa lalawigan ng Quezon bagama’t malakas ang hangin.

Ayon pa sa pari, nagsimula na silang maglibot sa ilang parokya na naapektuhan ng bagyo habang may ilang residente rin ang mga nagsilikas.

Batay sa tala, ang bagyong Quinta ang ika-labing-pitong bagyo na nakaapekto sa bansa mula sa karaniwang higit 20-bagyo kada taon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 453 total reads

 453 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,051 total reads

 5,051 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,111 total reads

 43,111 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,382 total reads

 269,382 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,847 total reads

 162,847 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,605 total reads

 256,605 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,428 total reads

 150,428 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top