Apektado ng bagyo sa lalawigan ng Quezon, sinaklolohan ng Diocese of Gumaca

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 883 total reads

Kumikilos na ang Diocese ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon para magbigay ng tulong sa mga Parokya na mayroong mga residenteng nagsilikas at naapektuhan ng pagbaha.

Ayon kay Rev. Fr. Dondi Sayson, Social Action Director ng Diocese of Gumaca, nagbukas ang kanilang Parokya para sa mga residente na naapektuhan ng bgyo kung saan kumupkop din ang mga Simbahan ng mga evacuees.

Sinabi ni Fr.Sayson na una silang nagpadala ng ilang mga relief goods para makatulong sa mga Simbahan na mayroong evacuees magmula pa noong manalasa ang bagyong Pepito at ngayon ay muli silang nangangalap ng itutulong sa mga naapektuhan naman ng bagyong Quinta.

“Sa ngayon ay naka alerto naman ang mga parokya ng Catanauan, Pitogo, Calauag, at Lopez na naapektuhan din ng unang bagyo [Pepito] itong kay Quinta in-anticipate na nila ginawa nila yung mga tao pinatuloy sa kumbento gaya sa Catanauan para ma pre-empt na yung possible na pagbaha atleast nasa kumbento na sila.”Pahayag ni Fr. Sayson sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa kabila nito nagpapasalamat ang Pari na hindi na nagdulot ng mas malawak na pinsala ang nasabing bagyo ganun pa man ay kinakailangan pa rin ng tulong ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at pagkasira ng mga bahay o ari-arian.

“Nakapag deliver na kami last Saturday at Sunday yung aftermath ng kay Pepito pero ngayon yung kay Quinta naghahanap pa din kami ng possible na mapagkukunan ng relief goods.”

Maari aniyang maghatid ng tulong ang mga nais magbahagi ng pagiging mabuting Samaritano sa tanggapan ng Social Action Center sa Maharlika Highway sa Gumaca Quezon.

Samantala, kumikilos na din ang Diocese ng Libmanan sa Camarines Sur para magsagawa ng rapid assessment sa mga Parokya na nasa paligid ng Ragay Gulf.

Ayon kay Fr. Romulo Castañeda, Social Action Director ng nasabing Diyosesis, tutungo sila sa mga parokya na malapit sa dagat upang alamin ang pinsala ng bagyo at kalagayan ng mga nagsilikas na residente.

Sa mga post naman ng Facebook page ng Lipa Archdiocese Social Action Center o LASAC ay makikita ang pinsala ng bagyong Quinta sa Tingloy, Lobo at Ilijan Batangas kung saan naranasan ang malakas na hangin at pag-ulan matapos ideklara ang Storm Signal Number 3 sa lalawigan ng Batangas.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Radyo Veritas sa Diocese ng Virac sa Catanduanes, Diocese ng Legaspi sa Albay at maging sa Diyosesis sa Boac, Marinduque at Oriental at Occidental Mindoro para alamin ang sitwasyon sa mga nasabing lugar at pagkilos ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,975 total reads

 3,975 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,134 total reads

 42,134 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,405 total reads

 268,405 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,870 total reads

 161,870 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,686 total reads

 255,686 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,826 total reads

 110,826 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top