Kasakiman, ugat ng “narco-politics at political dynasty sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total reads

Kasakiman sa pera, kapangyarihan at ari-arian ang ugat ng Narco-politics at Dinastiya sa bansa.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang mga aspektong ito ay magkakaugnay sa usapin ng katiwalian at pagsasamantala ng ilang mga opisyal ng bayan sa kanilang posisyon at katungkulan.

Binigyan-diin ng Arsobispo na maibabalik lamang ang kaayusan at katapatan sa panunungkulan kung tuluyang maibabalik ang Diyos bilang sentro ng ating lipunan.

“yung Narco-Politics ang una kaya sila Politician ay gusto nilang magkapera, pero in the end kawawa din sila they are never satisfied, kaya dyan gusto nilang karugtong na dyan ay Dynasty. Nasa dyaryo na ngayon yan, mag-ama na, nandun na sa gobyerno pero pareho silang drug-addict, pareho silang connected sa mga katiwalan at sa pagpapahamak ng kapwa, ang kailangan pagbabago at ibalik natin ang Diyos sa ating lipunan, kapag wala ang Diyos ay nandyan yung pagsasamantala sa kapwa…”pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, sa mahigit 150 pangalan sa listahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sinasabing sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa buong bansa, 54 sa mga ito ang mga halal na opisyal ng pamahalaan, sa bilang na ito, 32 ang kasalukuyang nakaluklok sa puwesto kung saan 23 ang mayor, 7 ang vice mayor, 1 ang district representative at 1 konsehal.

Samantala, unang inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mula January 2015 hanggang January 2016 ay umabot sa 69 na mga halal na opisyal ng lokal na pamahalaan ang naaresto ng kanilang tanggapan dahil sa pagkakasangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon nga sa Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” dahil sa pagtutok sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 62,407 total reads

 62,407 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 111,130 total reads

 111,130 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 159,002 total reads

 159,002 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 262,948 total reads

 262,948 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,030 total reads

 346,030 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top