Diyosesis na nasalanta ng ‘Yolanda’, tutulong sa biktima ng Super Typhoon Rolly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 912 total reads

Magpapaabot ng tulong pinansyal ang Diocese of Borongan sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Bicol region at mga karatig lalawigan.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, layunin ng diyosesis na maging daluyan ng awa at pag-ibig ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda sa mga biktima ng bagyo na nanalasa sa bansa sa gitna ng patuloy na krisis na kinahaharap ng lahat dulot ng Coronavirus Disease 2019 pandemic.

“We try our best na amidst of the pandemic we can still be in solidarity with you through our financial assistance na ipadala sa inyo, I don’t know if we can send a big amount but we are still now collecting assistance from our parishioners, from the priest and religious kaya magpapadala kami sa inyo ng kaunting tulong para magamit ninyo sa pagrecover,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez sa panayam sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Obispo, batid ng mamamayan ng Eastern Visayas ang mga pinagdaraanan at nadarama ng mga naapektuhan ng Super Typhoon Rolly matapos ang karanasan ng lalawigan sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda pitong taon na ang nakakalipas.

“Kami ay nakikiisa sa ating mga kapatid sa Bicol region sa land of southern Tagalog na affected po sa Super Typhoon Rolly, it is not difficult for us to be one with you because we experienced the same even stronger typhoon sa amin years ago Super Typhoon Yolanda and after that strong Typhoon Ruby kaya kami po ay nakikiisa sa inyong mga struggles and difficulties right now,” ayon pa sa obispo.

Tiniyak rin ng Obispo ang pananalangin ng mga taga-Eastern Visayas para sa mabilis na pagbangon ng mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Southern Luzon.

Enero ng taong 2015 ng personal na nagtungo sa Pilipinas ang Kanyang Kabanalan Francisco upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag at awa ng Panginoon.

Sa kasaysayan ng Pilipinas ang Super Typhoon Rolly ang ikalawang Super Typhoon category na nanalasa sa Pilipinas kasunod ng Super Typhoon Yolanda na puminsala naman sa Eastern Visayas region noong 2013 kung saan mahigit sa 6,000 ang naitalang nasawi.

RELATED STORIES:

Tulong-tulong sa pagbangon ng mga biktima ng Super Typhoon Rolly, panawagan ng simbahan

Caritas Telethon, isinagawa para sa ‘relief and rehabilitation’ sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 60,236 total reads

 60,236 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 156,410 total reads

 156,410 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 200,678 total reads

 200,678 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 223,787 total reads

 223,787 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 296,270 total reads

 296,270 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top