Corruption sa SK level, matutuldukan na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total views

Mas maiiwasan na ang kurapsyon sa SK level dahil sa implementasyon ng bagong SK Reform Law sa darating na SK at Barangay Election sa ika-31 ng Oktubre.

Ayon kay Atty. Rona Ann Caritos – Executive Director ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at Chairperson of Task Force Eleksyon 2016, dahil sa inaasahang pagpapatupad na Anti-Dynasty Probation at pagtataas ng edad ng mga maaring tumakbong SK Official ay mas naiiwasan na madiktahan ng mga magulang o ng iba pang mga opisyal ng barangay ang mga SK sa pagpasok sa iba’t ibang transaksyong pambaranggay.

“Nagkaroon tayo ng Anti-Dynasty Probation na hindi na pwedeng tumakbo sa SK yung may kamag-anak na politiko na, pangalawa yung sino yung pwedeng tumakbo bilang SK Chairman at mga kagawad niya. So ngayon dahil nasa tamang edad na yung mga pwedeng tumakbo hindi na magdi-depende yung mga SK Officials natin sa ibang tao, so mas maiiwasan yung corruption sa SK level…”pahayag ni Caritos sa panayam sa Radio Veritas.

Sa ilalim ng bagong SK Reform Law, maaari lamang bumoto sa SK ang mga may edad na 15 hanggang 30-taong gulang ngunit ang maaari lamang tumakbo para sa katungkulan ay ang mga may edad 18 hanggang 24-taong gulang.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC) nakatakda ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbong Barangay at SK Officials mula ika-3 hanggang ika-5 ng Oktubre kung saan bahagi ng COC na lalagdaan partikular ng mga SK Candidates ang pagtiyak na wala silang kamag-anak sa mga halal na opisyal na maaaring maging batayan ng posibleng diskwalipikasyon sa kanilang posisyon.

Kaugnay nito, matapos ang dalawang linggong muling pagbubukas ng registration ng Commission on Elections naitala ng kumisyon na tinatayang umabot sa 2-milyon ang mga nagparehistro para sa halalang pambarangay sa ika-31 ng Oktubre.

Matatandaang sa naganap na Encounter with the Youth sa UST, ni Pope Francis noong ika-18 ng Enero taong 2015 ay hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang tunay na makapagbahagi sa kapwa, partikular na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 7,536 total views

 7,536 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 35,887 total views

 35,887 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 103,617 total views

 103,617 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 126,768 total views

 126,768 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 196,411 total views

 196,411 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top