Online education, negatibo ang epekto sa mga estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,895 total views

Negatibo ang epekto ng “online education” sa mga mag-aaral sa elementary, sekondarya at kolehiyo sa buong bansa.

Ito ang lumabas sa Veritas Truth Survey o V-T-S na isinagawa mula October 5 hanggang November 5, 2020.

Base sa V-T-S, 34-percent ng mga estudyante nationwide ang nagsabing 1.“exhausted” o nanghihina sila sa online education; 2. Anxious o nababalisa na nasa 30-percent, 3. 10-percent ang frustrated, 4. 8-percent ang determined o determinado, 5.7-percent ay disappointed, 6.6-percent ang sad o malungkot at 7. 5-porsiyento ang happy o masaya.

Ayon sa V-T-S, ang mga mag-aaral sa elementarya ang nagpahayag ng kagalakan na nasa 35-percent habang 25-percent ang exhausted at 20-percent ang disappointed.

Sa mga mag-aaral sa highschool, 49-percent ang exhausted, 16-pervent ang frustrated at 10-percent ang disappointed.

Sa kolehiyo, 51-percent ang anxious sa online education, 22-percent ang exhausted at 10-porsiyento naman ang determinado.

Napatunayan sa V-T-S na mayorya sa mga estudyante ay nakakaramdam ng ‘emotional problem’ sa kanilang academic journey sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Gayunman, inihayag ni Fr.Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas 846 na hindi makabuluhan ang buhay kung walang “ups and down”.

Pinayuhan ni Fr.Pascual ang mga estudyante na gawing magandang oportunidad ang kinakaharap na problema.

Read:
VTS– ONLINE EDUCATION SURVEY

This Survey initiated by Radio Veritas uses a stratified sample of 1,200 respondents nationwide for a +/- 3% margin of error (gathered through a text-based and online data gathering process) the following information is indicative of the respondents’ experience of their ongoing online classes, inclusive of the dates covering October 5 – November 5, 2020. Results of which are as follows:

First and foremost the survey generated the following “emotions” the student felt during the course of their online classes: (1) Anxious, (2) Determined, (3) Disappointed, (4) Exhausted, (5) Frustrated, (6) Happy and (7) Sad (note: explanation for each emotion were likewise given by each respondent). Noticeably only 2 emotions (Determined and Happy) were positive emotions compared to the 5 other emotions (Anxious, Disappointed, Exhausted, Frustrated and Sad).

Overall the Top 3 emotions felt by the students were: (1) Exhausted at 34%; (2) Anxious at 30%; and (3) Frustrated at 10%. This was then followed by Determined at 8%, Disappointed at 7%, Sad at 6% and finally Happy at 5%. For elementary students the TOP 3 emotions were: (1) Happy at 35%, (2) Exhausted 25%, and (3) Disappointed at 20%. For High School or Secondary students their TOP 3 emotions were: (1) Exhausted at 49%, (2) Frustrated at 16%, and (3) Disappointed at 10%. Finally, for the College students in the survey their TOP 3 emotions were: (1) Anxious at 51%, (2) Exhausted at 22%, and (3) Determined at 10%. In all three Educational Level the common emotional response was being Exhausted.

“Our survey reveals that most of our students see the emotional problems in one’s academic journey but we must likewise help them see the opportunities in these adversities. Life will be unmeaningful if we don’t have ups and downs. We are given problems for us to be stronger, for our skills to be sharpened and for us to be closer to God. We should always remember; problems are just problems and we have a bigger God than all of the burdens that we have in life. We should turn our problem into a blessing that will make you stronger and a better person” (Rev. Fr. Anton CT Pascual, Radio Veritas President and CEO).

On the other hand, Bro. Clifford T. Sorita shares his 8 Beatitude for Online Education to help uplift the emotional quandary of the student respondents of this survey; he explains:

Blessed are those who struggle to study and learn online;
For they will appreciate the value of education.

Blessed are those who cope with their inadequate cyber gadgets;
For they will learn to innovate and compensate.

Blessed are those who frequently catch up with lessons amid slow connectivity;
For they will understand the virtue of patience.

Blessed are those who need to find financial support to pay for their internet load;
For they will discover the importance of a hard-earned income.

Blessed are those who miss face-to-face classes with teachers;
For they will rediscover self-learning and tutoring from parents.

Blessed are those who tussle to find a quiet place for their online classes;
For they will now realize the significance of solitude and silence.

Blessed are those who yearn to share the company of classmates and friends;
For they will recognize the meaning of togetherness when they see each other again.

And, blessed are those who hope that school doors will open once again;
For they will say that, “Online Learning has prepared me for the challenges ahead”.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 4,651 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 21,042 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 44,578 total views

 44,578 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 117,108 total views

 117,108 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 148,390 total views

 148,390 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 180,406 total views

 180,406 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 330,371 total views

 330,371 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top