Pamahalaan, dapat ng hingin ang tulong ng International Community -Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,656 total reads

By: Marian Pulgo & Michael Añonuevo

Nananawagan na sa pamahalaan ang social arm ng simbahan para hingin ang tulong ng international community. Ito ang pahayag ni Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ulysses na nagdulot ng malawakang pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay Fr. Labiao, mahalaga ang bawat oras para masagip ang ating mga kababayan mula sa panganib na dulot ng baha kabilang na sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

“We urge our government to seek help from the international community now. It is clear that we cannot do this alone. It is imperative that we leave no one behind. Let us all help each other. Let us save everyone. Every second counts. Every life matter,” ayon sa mensahe ni Fr. Labiao.

Giit pa ng pari, kinakailangan na ang pagtutulungan ng bawat sektor ng lipunan upang mailigtas ang mga nangangailangan ng pagsagip.

“The nation is in quandary. In Cagayan, people–children, elderlies and the vulnerable are crying out for help–some have died already. The Catholic Church, especially the Archdiocese of Tuguegarao, is mobilizing all its resources to reach Cagayan Valley the soonest. But we cannot do this without everyone’s help. All stakeholders need to be on board,” ayon pa sa pari.

Una na ring nanawagan ng tulong si Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa lalawigan na dulot ng nagdaang bagyo.

Hiling din ng arsobispo ang patuloy na panalangin para sa kaligtasan ng bawat pamilyang nakakaranas ng pagdurusa dulot ng pagbaha.

“We are deeply saddened about the severe floods impacting so many people’s lives in our province. While some show increased resilience and determination in the face of difficulty, we encourage those who are capable of extending help to reach out to our needy brothers and sisters. Our thoughts and prayers are with you especially during these difficult times,” ayon sa pahayag ni Archbishop Baccay.

Una na ring lumabas sa social media ang mga pangyayari sa Cagayan at Isabela kung saan umaabot na sa mga bubong ang taas ng tubig, at marami na sa mamamayan ang humihingi ng saklolo.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council may 3,700 rescue personnel ang nagtungo na sa lalawigan para tumulong sa mga binahang lugar.

Sa pinakahuling ulat Sabado ng umaga may 276-katao na ang nailigtas ng mga kawani ng Philippine Coast Guard mula sa Cagayan at Isabela. (Michael Añonuevo)

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 18,461 total reads

 18,461 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,050 total reads

 39,050 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 109,220 total reads

 109,220 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 194,588 total reads

 194,588 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 241,324 total reads

 241,324 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 289,196 total reads

 289,196 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 387,534 total reads

 387,534 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 315,449 total reads

 315,449 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 421,544 total reads

 421,544 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top