Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

36 na parokya sa Archdiocese of Tuguegarao, lubog sa tubig baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total views

Nagsasagawa pa rin ng assessment ang Archdiocese ng Tuguegarao sa mga apektadong parokya na tinamaan ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Tuguegarao Archdiocesan Social Action Director Fr. Andres “Andy” Semana, Jr., hindi bababa sa 36 na parokya ang apektado ng pagbaha sa dinaraanan ng Cagayan river.

“Sa ngayon ang ginagawa ng Office of Social Action ay hinihingan ng datos yung mga affected parishes. More or less yung assessment o estimation natin ay nasa 36 na mga parishes ay affected nitong pagbaha hindi lang dito sa malapit sa Cagayan river, kundi meron ding kasi may mga connected ding mga river dito sa main Cagayan river,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon sa pari, may ilang parokya ang nagbukas ng kanilang mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng evacuees bukod sa mga inilaang evacuation centers ng lokal na pamahalaan.

Nanawagan naman si Fr. Semana sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong para sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa lalawigan.

Dalangin naman ng pari ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa mga nasalanta ng pagbaha lalung-lalo na sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Panalangin ni Tuguegarao Archdiocesan Social Action Director Fr. Andres “Andy” Semana, Jr.

“Ama, sa panahon na aming nararanasan ngayon, alam po namin na nandyan lang po Kayo, nakasubaybay po sa amin. Nandyan po Kayo sa amin at napapakita po yan sa mga taong tumutulong sa mga nangangailangan.

Nawa’y gabayan N’yo po ang mga rescuers natin na tumutulong po sa mga napinsala ng bahang ito; at pinapanalangin po namin ang mga pamilya lalung-lalo na po yung mga pamilya na affected po, na namatayan dahil sa pagbaha na ito.

Nawa’y patnubayan po sila ng Poong Maykapal at bigyan sila ng pag-asa na muling makabangon. Lahat pong ito ay hinihiling natin sa ngalan ng ating Panginoong Hesukristo.

Amen.”

Ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam bunsod ng pagtaas ng tubig nito dahil sa bagyong Ulysses ang sanhi ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

Daan-daang mga residente ang nananatili sa bubungan ng kanilang mga tahanan dahil ng pagbaha at kasalukuyan pa ring naghihintay na maligtas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 34,819 total views

 34,819 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 55,884 total views

 55,884 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 78,906 total views

 78,906 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 117,606 total views

 117,606 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top