Kumilos, laban sa banta ng mas matinding pagbaha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,228 total reads

Patuloy ang pagiging abala ng simbahan na pinangungunahan ng Anak ni Inang Daigdig sa pagtatanim ng puno ng kawayan sa mga river banks sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Fr. Ben Beltran founder ng Anak ni Inang Daigdig, layunin ng programa ay upang labanan ang matinding epekto ng pagbaha na ang pangunahing mga nasasalanta ay ang mga lalawigan sa Luzon kasama na ang Metro Manila.

“Ang problema hindi iyong Marikina, hindi yung Provident Village. Ang problema, ang Mount Ayaas at ilang pang bundok sa Montalban hanggang Bulacan na ay kinalbo ng mga illegal loggers. Kapag hindi natin nataniman ‘yan mas mataas pang mga baha ang mahihintay natin sabi ng mga scientist,” ayon kay Fr. Beltran.

Sa kasakuyan ayon sa pari ay may higit na sa 200 parokya mula sa Diocese ng Antipolo, Cubao at Novaliches ang nag-sponsor ng mga seedlings para mataniman ang may 600 ektarya ng river banks sa Rizal.

Ang Anak ni Inang Daigdig ay grupo ng mga mananayaw mula sa Smokey Mountain at nagtatanghal sa iba’t ibang bansa na itinalaga ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang Ambassadors for Peace and Environment.

Dagdag pa ng pari, ang adbokasiya ng pagtatanim ng kawayan ay limang taon na nilang isinasagawa bagama’t kabilang din sa mga ‘binhi’ ay natangay ng nagdaang bagyong Ulysses.

Bukod sa mga river banks, naghahanda na rin ang grupo para sa gagawing reforestation sa mga bundok ng Sierra Madre kung saan bukod sa kawayan ay pinag-aaralan na rin ang iba pang uri ng puno at damo na maaring itanim na makatulong laban sa baha at mga pagguho ng lupa.

Ayon pa kay Fr. Beltran, binigyan ng permiso ng DENR-Rizal ang simbahan para mataniman ang 600 ektarya ng River banks sa lalawigan.

Umaasa din ang pari sa pakikipagtulungan ng iba pang diyosesis sa buong bansa na suportahan ang hakbang para sa ikatatagumpay ng proyekto.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 5,342 total reads

 5,342 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 147,121 total reads

 147,121 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 181,799 total reads

 181,799 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 199,549 total reads

 199,549 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 236,034 total reads

 236,034 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 245,681 total reads

 245,681 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top