Cardinal Tagle, nakikiisa sa paghahanda ng Simbahan sa ika-500 Kristyanismo sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,000 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa panibagong paksa ng paghahanda ng Simbahang Katolika sa Pilipinas para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa bansa.

Ayon kay Cardinal Tagle, pangungunahan ng Episcopal Commission on Mission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang huling paksa ng paghahanda para sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa susunod na taon na nagsimula noong taong 2013.

“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines through its Episcopal Commission on Mission you know that we are preparing for the celebration of the 500th anniversary of the arrival of Christianity in our country among our people and every year there is a focus.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Sa pamamagitan ng isang video message ay ibinahagi ni Cardinal Tagle ang paksa at tema ng paghahanda ng Simbahan para sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristyanismo sa Pilipinas na tututok sa pagmimisyon.

Ipinaliwanag ng Kardinal ang Year of Missio Ad Gentes na may temang ‘Gifted to Give’ ay naaangkop na paksa na dapat na matutukan ng Simbahan upang higit na maihanda ang mga mananampalataya sa paggunita ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Sinabi ni Cardinal Tagle na isang paghahanda rin ang nasabing paksa para sa hamon ng patuloy na pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan at ni Hesus na ibahagi at palaganapin ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Binigyang diin ng Kardinal na ang pagmimisyon ay hindi dapat ituring na isa lamang gawain o tungkulin sa halip ay isang pambihirang paraan ng pagbabahagi ng pag-asa, pananampalataya at kaligtasan na biyaya ng Panginoon sa bawat isa.

“Now we will focus on ‘Missio Ad Gentes’ Mission to other peoples, to other lands and the theme is ‘Gifted to Give’. Mission is not just work, it is sharing the gift of faith that we have received.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Taong 2013 nang sinimulan ng CBCP ang siyam na taong ‘spiritual journey’ o siyam na taong paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglunsad ng paksa na nakabatay sa iba’t-ibang aspekto ng Kristyanismo na ginugunita sa buong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 10,244 total reads

 10,244 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 62,835 total reads

 62,835 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 110,707 total reads

 110,707 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 214,655 total reads

 214,655 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 300,170 total reads

 300,170 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top