Lubog sa Kahirapan at sa Utang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 867 total reads

Ibayong pagsisikap at pagtitiis ang hamon sa atin ng panahon ngayon, kapanalig. Kahit may pag-asa na tayong naaninag dahil sa pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID, malawakang kahirapan pa rin ang nakikita ng mga eksperto sa buhay ng maraming Filipino.

Ayon sa World Bank, mga 2.7 milyong Filipino ang maghihirap ngayon taon dahil sa pandemya. Dagdag pa ito sa record-breaking na pagbulusok ng ating gross domestic product (GDP) ngayong taon. Tinatantya ng ahensya na magko-contract o liliit pa ng mga 8.1 percent ang ating GDP. Ang pagliit ng ekonomiya ng bansa ay sinabayan pa ng napalaking utang ng pamahalaan. Umaabot na ito ng P10.3 milyon ngayong Disyembre.



Madilim man ang pangitain natin ngayon, kapanalig, huwag mawawalan ng pag-asa.

 

Pag nakaraos na ang bansa sa epidemya, dahan dahan ng makababawi ang bansa. Kailangan lamang, maisa-ayos ng pamahalaan ang mga prayoridad nito. Ibig sabihin, ang ekonomiya na muna ang unahin, at hindi ang pangangampanya at pag-stratehiya para sa susunod na eleksyon sa 2022.

 

Ang payo ng mga eksperto, unahin ng pamahalaan ang paglatag ng mga programa na maglilikha ng trabaho para sa maraming Filipino. Ayon nga sa isang pag-aaral ng International Labour Organization, tatlong mahalagang bagay ang kailangan magawa natin ngayon upang makabangon ang bansa at maging resilient ito sa kasalukuyang pandemya. Una, kailangan nating magbigay ng immediate o mabilisang suporta sa mga negosyong at-risk magsara at sa mga manggagawang at-risk na mawalan ng trabaho. Kailangan din natin tiyakin na mayroon tayong komprehensibong plano sa pagbabalik ng mga tao sa kanilang trabaho. Pangatlo, kailangan nating maglikha ng disente at produktibong trabaho upang makabawi na ang ating ekonomiya.

 

Hindi madali ang mga hakbang na ito, kaya nga’t marami ang umaasa na makaka-focus ang pamahalaan sa “urgent” na pangangailangan na ito. Ang pagkawaglit ng gawaing ito ay magsasadlak pa lalo sa bayan sa mas malalim na pagbagsak ng ekonomiya, at hila hila nito paibaba ang buhay ng napakaraming mga Filipino.

Kapanalig, dasal natin na sana’y maasahan natin ang tagumpay ng pamahalaan sa misyon nitong maipataas pa ulit ang antas ng ekonomiya. Ito nga rin ay hamon ni Pope Francis sa mga estado. Ayon sa kanyang akda na Evangelii Gadium: It is vital that government leaders and financial leaders take heed and broaden their horizons, working to ensure that all citizens have dignified work, education and healthcare. Tungkulin ng pamahalaan na mabigay ng disenteng trabaho para sa lahat. Dasal naman natin na aakapin ng administrasyong ito at uunahin ang napaka-halagang gawain na ito. Dahil kung hindi, malulubog tayo sa kahirapan at utang sa hinaharap.

 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 181,321 total reads

 181,321 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 252,355 total reads

 252,355 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 285,802 total reads

 285,802 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 321,102 total reads

 321,102 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 540,378 total reads

 540,378 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 181,322 total reads

 181,322 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 252,356 total reads

 252,356 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 285,803 total reads

 285,803 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 321,103 total reads

 321,103 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top