Yantok para sa disiplina?

SHARE THE TRUTH

 189 total views

Mga Kapanalig, nakababahala ang pagdagsa ang mga namimilí sa Divisoria sa Maynila ilang araw bago sumapit ang Pasko. Siksikan na ang mga tindahan na para bang katulad ng dati nang nakagawian—lamang, nakasuot ang mga tao ng face masks at face shields.

 

Ang ganitong siksikang mga lugar ang dapat nating iniiwasan lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng COVID-19. Bagamat unti-unti na ngang pinaluluwag ang mga restrictions sa pagkilos ng mga tao dito sa Metro Manila kung saan umiiral pa rin ang general community quarantine (o GCQ), hindi pa rin tayo dapat magpakakampante. Hindi natin dapat maliitin ang banta ng nakamamatay na sakit kahit pa sinasabing bumababa na ang bilang ng mga nahahawahan nito. Hindi katulad noong mga nakaraang buwan, mas mababa sa 2,000 ang kasong naitatala bawat araw, at ang mabilis na pagdami ng COVID-19 cases ay nangyayari sa labas ng Metro Manila.



Ngunit ang naiisip na tugon ng pamahalaan para iwasan ng mga tao ang magkumpulan sa Divisoria ay ang pagtatalaga ng mga pulis na may bitbit na isang metrong yantok. Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield chief Lieutenant General Cesar Binag ng Philippine National Police (o PNP), gagamitin ng mga tinatawag nilang social distancing patrol ang yantok upang tiyaking may physical distancing ang mga tao sa mga pampublikong lugar na katulad ng Divisoria. Panakot din daw ito sa mga “pasaway”—“pamalo na rin doon sa matitigas ang ulo,” paliwanag ng opisyal.[1] Iniutos daw ito ni PNP Chief Debold Sinas, na kung inyong matatandaan ay sumuway din sa health protocols nang hindi niya sinuway ang mga pulis at bisita niyang nagsagawa ng “mañanita” noong kaarawan niya.

 

Nakalulungkot na pananakot at pananakit ang naiisip nating mga solusyon sa isang problemang pangkalusugan. Maaaring may mga kababayan tayong sadyang hindi iindahin ang panganib para lamang makapaghanapbuhay o makapamili, ngunit kung tunay na naipauunawa sa kanilang delikado pa rin ang lumabas at magkumpulan, sila na mismo ang magdadalawang-isip na makipagsiksikan sa mga pamilihang katulad ng Divisoria. Kung nakikita nilang maski ang mga nasa pamahalaan ay sumusunod sa mga ipinatutupad nitong mga regulasyon, sila na mismo ang magbabantay sa kanilang sarili upang maprotektahan ang kanilang sarili at ang iba kapag sila ay nasa labas. Kung malinaw lamang ang mga patakaran ng pamahalaan at tinitiyak ng mga tagapagpatupad na ito na walang exempted sa mga ito, wala nang magiging palusot ang mga sinasabing matitigas ang ulo.

 

Natatandaan ba ninyo ang isang taga-Taguig noong Marso na naglalaba sa labas ng kanilang bahay, ngunit agad na sinita at pinalo ng yantok ng kapitang napadaan sa kanila?[2] Ganito rin ba ang gustong mangyari ng PNP? Samantala, ang mga pulitiko, opisyal ng pamahalaan, at mga sikat na personalidad na lumalabas at nagiging dahilan ng mass gathering ay hinahayaan lamang at hindi napananagot. Hindi sa sinasabi nating kailangan din silang makatikim ng pamamalo; ang disiplinang hinahanap ng pamahalaan sa publiko ay dapat na nakikita rin natin sa ating mga pinuno.

 

Umalma na ang Commission on Human Rights (o CHR) sa paggamit ng puwersa at mga solusyong magpapahiya at magdudulot ng trauma sa mga tao upang tugunan ang pandemya.[3] Ang pananakit bilang paraan ng pagdidisiplina ay bunga ng isang kultura ng karahasan, isang kulturang nais nating buwagin bilang Simbahan. Ang karahasan ay hindi solusyon kundi patunay ng ating mga kabiguan bilang isang lipunan.[4] Paano natin matutuldukan ang karasahan kung ito mismo ang ginagawang solusyon sa ating mga problema, kahit pa sa isang pangkalusugang krisis?

Mga Kapanalig, wika nga sa Roma 14:19, “lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan…” Hindi ito magagawa kung ang solusyon natin ay nakasalalay sa isang yantok.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 23,584 total views

 23,584 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 29,002 total views

 29,002 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 35,709 total views

 35,709 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 50,505 total views

 50,505 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 56,661 total views

 56,661 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 23,585 total views

 23,585 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 29,003 total views

 29,003 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 35,710 total views

 35,710 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 50,506 total views

 50,506 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 56,662 total views

 56,662 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 39,578 total views

 39,578 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,162 total views

 50,162 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,379 total views

 58,379 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 42,612 total views

 42,612 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 48,588 total views

 48,588 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 51,681 total views

 51,681 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,386 total views

 41,386 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,274 total views

 42,274 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 57,577 total views

 57,577 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 69,986 total views

 69,986 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top