Arsobispo, nagpapasalamat sa “go signal” ng pamahalaan na makapagdiwang ng Simbang Gabi at Misa de Gallo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na hindi padadala sa takot bagkus ay palakasin ang pananampalataya sa Panginoon.

Sa homiliya ng arsobispo sa unang Misa de Gallo na ginanap sa Archdiocesan Shrine of Immaculate Heart of Mary sa Minglanilla Cebu, sinabi nitong higit na makatutulong ang pagkapit sa Diyos sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyang panahon.

“Do not fear, only have faith; huwag matakot sapagkat may pananampalataya tayo sa Diyos na malalampasan natin ito,” pagninilay ni Archbishop Palma.

Matatandaang isa ang Cebu City sa naging hotspot’s ng COVID-19 pandemic dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso kaya’t nagkaisa ang lahat ng sektor sa lugar upang mabawasan at mapigilan ang pagtaas ng mga nagpositibo sa virus.

Ikinatuwa ng arsobispo na pinayagan ng pamahalaan ang simbahan na makapagdiwang ng simbang gabi at misa de gallo, ang siyam na araw na paghahanda sa Pasko ng Pagsilang ng manunubos.



Aniya, maituturing itong pribilehiyo sapagkat nanatili pa rin ang banta ng virus sa lipunan hanggang sa kasalukuyan na patuloy tinutugunan ng mga eksperto sa kalusugan.

Mahigpit na ipinatupad sa mga simbahan ng arkidiyosesis ang mga safety health protocol na iminungkahi ng Inter Agency Tasks Force kabilang na ang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, pag-check ng temperatura at paggamit ng alcohol.

Batay sa tala ng Department of Health Region 7 sa mahigit sampung libong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cebu, nasa 171 na lamang dito ang aktibong kaso na patuloy binibigyang atensyong medikal sa mga pagamutan sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 180,357 total reads

 180,357 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 251,448 total reads

 251,448 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 284,895 total reads

 284,895 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 320,195 total reads

 320,195 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 539,551 total reads

 539,551 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top