CBCP, nanatiling tutol sa death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,518 total views

Hindi magbabago ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa sa parusang kamatayan.

Ito ang binigyang diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa muling pagsusulong ng ilang mga mambabatas na ibalik ang capital punishment sa bansa matapos ang insidente ng pagpaslang ng isang pulis sa mag-ina niyang kapitbahay sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano-executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, bagamat may kalayaan ang kongreso na gumawa ng mga batas na para sa bayan ay nananatili naman ang paninindigan ng Simbahan na hindi naaangkop ang muling pagsasabatas ng death penalty.

Paliwanag ng Pari, hindi tugon ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa patuloy na karahasan at kriminalidad sa lipunan na isang pagsasawalang bahala sa buhay na kaloob ng Panginoon sa bawat isa.

“Congress has the liberty to enact laws but the church still maintains that death penalty it is not a panacea that will solve criminal acts perpetrated against persons.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Giit ng pari, mas nararapat tutukan ang pagsasaayos at pagpapabuti sa criminal justice system ng Pilipinas sa halip na ang pagbabalik ng capital punishment.



Pagbabahagi ni Fr. Secillano, kinakailangan ang epektibo at patas na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at sistemang pangkatarungan upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

“It has always been in the government’s agenda, but it would be wise for the government to instead start reforming our criminal justice system which is vital to ensuring peace and order in our society.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Nauna ng binigyang diin ni Fr. Secillano na hindi death penalty ang naaangkop na tugon sa kriminalidad sa lipunan sa halip ay ang honest law enforcement at incorruptible penal system.

Kabilang rin ang pagbabalik ng death penalty sa mga death laws na tinukoy ni NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa patuloy na tututulan at lalabanan ng Simbahang Katolika ngayong taong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 33,710 total views

 33,710 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 29,579 total views

 29,579 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 65,781 total views

 65,781 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 75,015 total views

 75,015 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 101,316 total views

 101,316 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top