Maging handa, alerto sa sakuna-Solidum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 999 total reads

Ito ang payo ni Science and Technology Undersecretary Renato Solidum, Jr., kaugnay sa mga maaaring maranasang sakuna o kalamidad tulad ng lindol o pagputok ng bulkan.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayan kay Solidum, palagi nilang ipinapaalala sa publiko ang kahandaan at pagiging mahinahon sa panahon ng lindol at pagputok ng bulkan.

“Pagdating naman sa lindol at kasama na yung volcano, ang aming sinasabi ang solusyon d’yan ay kahandaan natin at ‘yung readiness ng bawat indibidwal at pamilya,” pahayag ni Usec. Solidum sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Nangamba naman ang opisyal hinggil sa mga taong nagpapalaganap ng ‘fake news’ na ginagamit namang batayan ng publiko.

Ayon kay Solidum, sa halip na makatulong ito ay nagdudulot ng pangamba at kaguluhan sa mga tao.

“Kapag ang tao ay masyadong malapit sa bulkan at naranasan nila ‘yung isang eruption talagang hindi mo maaalis ‘yung pangamba at nakakadagdag sa mental stress ang mga balita na hindi totoo na walang masyadong basehan,” ayon sa opisyal.

Ibinahagi rin ni Solidum na siya ring director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang uri ng lindol na maaaring maramdaman ng mga tao anumang oras.

“Dalawang klase ang pwedeng maramdaman ng tao. Una yung lindol sa bulkan at lindol sa malayo. Kapag lindol po sa bulkan ang mararamdaman ng mga tao, ito po ay up and down motion,” ayon kay Usec. Solidum.

Habang nararamdaman naman ang pahalang o tila inuugang paggalaw ng lupa kapag malayo ang epicenter o mula sa malalim na bahagi ng lupa.

“Pero kapag ang inyong naramdaman ay horizontal lang, ibig sabihin malayo po ang episentro sa inyo o napakalalim ng lindol and most likely hindi po ‘yun sa volcano,” paliwanag ni Usec. Solidum.

Enero 2020 nang pumutok ang bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas na nagdulot ng mga paglindol at pagkalat ng ibinugang abo nito na umabot sa mga karatig na lalawigan.

Matatagpuan ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire o kilala rin bilang typhoon belt na bahagi ng karagatang Pasipiko kung saan karaniwan na ang mga paglindol at pagputok ng bulkan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 19,734 total reads

 19,734 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 3,048 total reads

 3,048 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 41,565 total reads

 41,565 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 143,387 total reads

 143,387 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 183,945 total reads

 183,945 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 204,261 total reads

 204,261 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 134,469 total reads

 134,469 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top