Pagsasawalang bisa ng UP-DND accord, kinondena ng environment group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total views

Nanindigan ang Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) kasama ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) laban sa pagpapawalang bisa ng Department of National Defense (DND) sa UP-DND Accord.

Ayon kay Leon Dulce, National Coordinator ng Kalikasan PNE na hindi maaaring agarang itigil ng DND ang kasunduan dahil ito’y labag sa batas.

“Kailangang kilalanin ng DND na ilegal ‘yung ginawa nila. Hindi pwedeng basta-basta nalang umaatras sa kasunduan ng unilateral o ‘yung isang panig lang,” bahagi ng pahayag ni Dulce sa panayam ng Radio Veritas.

Inihalimbawa nito ang hindi patas na pagpapatupad ng batas at kasunduan lalu na tungkol sa kalikasan.

Ayon kay Dulce, kapag ang usapin ay hinggil sa kasunduan sa pagmimina ay napakabilis ng pamahalaan o korporasyon na bawiin ang unilateral na kasunduan subalit kapag ang mga lokal na pamahalaan o mga komunidad na ang humiling na umatras ay hindi ito pinahihintulutan at sa halip ay sinasabing dapat igalang ang kasunduan.

“Bakit kapag sa kasunduan sa pagmimina, napakadali para sa gobyerno o sa korporasyon na umatras ng unilateral, sa mga usapin? O kaya kapag may LGU o kaya mga komunidad na gustong umatras sasabihin, “Hindi. Dapat respetuhin n’yo ‘yung kontrata. Dapat respetuhin n’yo ‘yung kasunduan.” Hindi pantay ‘yung pag-apply ng ganung prinsipyo kung ganitong basta-basta aatras doon sa UP-DND Accord,” ayon kay Dulce.

Batay naman sa inilabas na pahayag ng grupo, nakasaad sa UP-DND Accord na hindi nabanggit dito ang tuluyang pagbabawal laban sa pagpapapasok sa kinasasakupan ng pamantasan at mga sangay nito, ngunit kailangan lamang ang kasunduan sa awtoridad ng Pamantasan.



Paliwanag pa ng pahayag, pinatunayan lamang ng DND na ang kanilang pagbawi sa kasunduan ay nagpapakita na hindi nila kayang galangin ang karapatan ng mga sibilyan laban sa militar, na nakatala sa 1987 Constitution.

Panawagan naman ni Dulce na nawa’y hayaan na lamang ang mga pampublikong pamantasan o State Universities na kanilang maipahayag ng malaya ang kanilang mga karapatan at saloobin para na rin sa ikabubuti ng lipunan.

Dagdag pa nito na huwag nang gamitan ng dahas ang mga katutubong mamamayan, mga magsasaka at iba pang nagtatanggol sa kalikasan at hayaan na lamang ang mga ito na mamahala sa kanilang mga likas na yaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 43,065 total views

 43,065 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 49,194 total views

 49,194 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 79,336 total views

 79,336 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 98,864 total views

 98,864 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 117,700 total views

 117,700 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 4,588 total views

 4,588 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top