CBCP, handang isapubliko ang pagpapabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahandaan na isapubliko ang pagpapabakuna laban sa Covid-19 upang makatulong na mahikayat ang publiko.

Ito ang ibinahagi nina CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles at CBCP Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa isinagawang pulong balitan matapos ang dalawang araw na plenary assembly. Ayon kay Archbishop Valles ang hakbang ay para mapanatag ang publiko at mahikayat na magpabakuna para sa kaligtasan mula sa nakakahawang sakit. “If it helps when people see mee vaccinated in public, then I am ready,” pahayag ni Archbishop Valles.

Tiniyak naman ni Bishop David sa publiko na gagawin ng simbahan ang lahat ng hakbang na makatutulong sa isasagawang vaccination program lalo na sa mga lokal na pamahalaan. “Anything that can allay the fears of vaccination, we will offer and ready in the church,” ani Bishop David.

Isa sa mga tinalakay ng obispo sa 121st CBCP Plenary ang tungkol sa bakuna kontra COVID-19 kung saan ipinaliwanag ni Dominican priest at medical expert Fr. Nicanor Austriaco ang kahalagahan ng pagpapabakuna upang manatiling ligtas laban sa nakahahawang virus.

Una nang nagpalabas ng panuntunan ang Vatican hinggil sa pagpapabakuna laban sa virus kaugnay sa usapin ng moralidad kasunod ng pagbakuna sa Kanyang Kabanalan Francisco at Pope Emeritus Benedict XVI.

Sa pinakahuling pag-aaral ng isinagawa ng Veritas Truth Survey, 67 porsiyento sa 2,000 respondent ang nais na matiyak na ligtas ang bakuna bago magpaturok ng gamot laban sa Covid-19.

Napagkasunduan din ng mga obispo sa Pilipinas na buksan ang pasilidad ng mga simbahan para magamit sa gagawing mass vaccination program ng gobyerno lalo na sa mga kanayunan. “We offer our church facilities to help this massive and quite complicated and very challenging vaccination program,” saad ni Bishop Valles.

Una nang pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Diyosesis ng Novaliches sa pangunguna ni Bishop Roberto Gaa sa kahandaang pagbukas sa 15 malalaking parokya upang magsilbing vaccination sites ng lunsod.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 10,230 total reads

 10,230 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 25,443 total reads

 25,443 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 129,037 total reads

 129,037 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 169,595 total reads

 169,595 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 190,049 total reads

 190,049 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 237,876 total reads

 237,876 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top