Pagtatanggal ng ‘arancel system’, ipatutupad ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,327 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pag-alis sa ‘arancel system’ sa mga parokya sa bansa kapalit ng mga serbisyong ibinibigay sa nasasakupan.

Sa Pastoral Statement on Stewardship na inilabas ng CBCP nitong Enero 28, iginiit nitong mahalagang maisabuhay ang pagiging katiwala ng Panginoon sa biyayang kaloob lalo’t ipinagdiwang ng bansa ang 500 Years of Christianity.

“We, as Church in the Philippines, once more commit ourselves to the gradual abolition of the arancel system. This is a concrete step in renewing ourselves in the practice of stewardship, praying that others may see us truly “as good stewards of God’s varied graces” (1 Pet. 4:10),” bahagi ng pastoral statement ng CBCP.

Paliwanag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, ang hakbang ng simbahan ay upang mabigyan ng tungkulin ang mananampalataya lalu na sa mga sakramento ng simbahan at pagsunod sa turo ng Panginoon na ipalaganap ang misyon sa sangkatauhan.

Ang ‘arancel’ na umiiral sa mga diyosesis sa bansa ay ‘fixed amount’ sa mga serbisyo ng simbahan na kadalasang naging hadlang sa mga mahihirap upang makatanggap ng mga sakramento.



Magsasagawa naman ang mga simbahan ng katesismo, pagsasanay at wastong edukasyon hinggil sa ‘Spirituality of Stewardship’ lalo na sa mga pari sa parokya bilang kapalit ng arancel system.

Hinikayat naman ni Archbishop Valles ang bawat mananampalataya na suportahan ang pagpapatupad ng stewardship program bilang pakikiisa sa misyon ng simbahan.

“Brothers and sisters, we are all part of this endeavor for we all belong to the Church, the one family of God. We all share responsibility for the Church. Thus, we encourage all the baptized to regularly, wholeheartedly and generously contribute to the Church so that we can fulfill our common mission of spreading the Good News, of serving humanity and caring for the whole of creation,” dagdag pa ni Archbishop Valles.

Patuloy din na hinikayat ng CBCP ang mananampalataya na pairalin ang pagiging mapagbigay lalo ngayong panahon ng pandemya kung saan marami ang nahirapan dahil sa kawalan ng pagkakitaan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 5,647 total reads

 5,647 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 17,279 total reads

 17,279 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 122,068 total reads

 122,068 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 162,626 total reads

 162,626 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 183,080 total reads

 183,080 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 231,217 total reads

 231,217 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top