Simbahan, hinimok ng CHR na aktibong manindigan sa kasagraduhan ng buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Nanawagan sa Simbahang Katolika ang Commission on Human Rights na mas maging aktibo sa pagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa buhay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biktima ng extra-judicial killings at summary executions sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Bukod sa mga pari, madre at Obispo, partikular na nanawagan si CHR Chairperson Jose Luis Martin Gascon sa mga taong Simbahan at mga mananampalataya na aktibong manindigan sa kasagraduhan ng buhay.

“Alam niyo, nung panahon ng diktaturya malaki yung papel na ginampanan ng Simbahan at mukhang sa kasalukuyang panahon na may ganitong malaking pagsubok ay muli may panawagan sa Simbahan hindi lamang po sa mga pari, madre at Obispo pero maging sa mga taong Simbahan na manindigan para sa mga prinsipyo ng Kristiyanismo partikular yung prinsipyo ng pangangalaga at pagpapahalaga sa buhay. Ibig sabihin may active citizenship muli ang ating mga alagad ng Simbahang Katolika…” panawagan ni Gascon sa Radio Veritas.

Iginiit ni Gascon na malaki ang papel na ginagampanan ng Simbahan sa paghubog sa tamang moral ng lipunan kaya’t napakahalaga ang paninindigan nito sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police mula unang araw ng Hulyo hanggang ika-23 ng Agosto ay tinatayang umabot na sa 1,916 ang kabuuang bilang ng mga namatay, sa bilang na ito, 756 ang namatay sa gitna ng mga operasyon ng mga pulis habang itinuturing naman ng PNP na death under investigation ang 1,160 kaso ng pagkamatay na hinihinalang kagagawan ng mga vigilante at hindi pa nakikilalang mga salarin.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika maging ng gobyerno ang sinasabing gawain lalo na at sinisentensiyahan ng kamatayan ang mga indibidwal na nagkasala na isang paglabag sa kanilang karapatan na mabuhay at maipagtanggol ang kanilang sarili sa harapan ng hukuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,581 total reads

 82,581 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,967 total reads

 129,967 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,838 total reads

 177,838 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,786 total reads

 281,786 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,085 total reads

 364,085 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top