Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Moral ng mga pulis, mas tumaas matapos ang Senate EJK probe

SHARE THE TRUTH

 297 total views

Inihayag ng Philippine National Police mas maganda at mataas pa rin ang moral ng buong kapulisan sa naganap na 2 araw na imbestigasyon ng Senado sa kanilang hanay dahil sa extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay PNP spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos, sa pagdinig naipahayag ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa taong-bayan na hindi malala ang kaso ng EJK lalo na at ang mga pagpatay ay iniimbestigahan.

Nabatid sa pagdinig na hindi lahat ng 1, 160 na kaso ng pagpatay mula July 1 hanggang August 22, 2016 ay extrajudicial killings dahil 273 lamang dito ang napatunayang may kinalaman sa operasyon ng ilegal na droga habang karamihan ay ibat-ibang krimen sa mga lansangan.

“Moral ng PNP, mas maganda at nagpapasalamat kami sa 2 araw na pagdinig sa Senado upang ipahayag natin sa taong bayan ang totoong nangyayari sa ating komunidad sa lansangan na ang EJK na kanilang sinasabi ay hindi ganoon ka grabe, hindi totoo na all this death na under investigation ay EJK at ang lahat ng deaths under investigation ay hindi naman sa ilalim ng EJK dahil sa 1,000 plus na death under investigation are not yet confirmed as drug related, and only 273 to be drug-related ,the rest are crimes that are happening in the streets and these are now under investigation.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Sr. Supt. Carlos na may 282 na miyembro ng PNP ang sangkot sa ilegal na droga habang nagpositibo naman sa drug test ang nasa 130.

Ayon kay Carlos, patunay lamang ang pagkakatuklas na ito na seryoso ang administrasyong Duterte at si Gen. Dela Rosa na linisin ang hanay ng pulisya mula sa bawal na gamot.

“Kung hindi nabigyan ito ng pansin noong nakaraang administrasyon, seryoso ngayon ang PNP. Kaya may random and required drug testing, hindi tino-tolerate ito ng PNP, ang lahat ng sangkot ay may kautusan na para sa summary dismissal proceedings, the Chief PNP wants them out,” pahayag ni Carlos sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa survey ng Philippine drug Enforcement Agency (PDEA) 94% ng mga barangay sa Metro Manila ay may operasyon ng ilegal na droga.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika at ng estado ang ilegal na droga dahil sumisira ito hindi lamang ng pamilya, kundi maging kinabukasan ng mga kabataan at ng lipunan.

Una na ring inihayag ng mga obispo ng Simbahan na kinakailangan naman ng mga drug users ang rehabilitasyon habang ang mga drug pushers ay parusahan ng naaayon sa judicial process at hindi ang sintensiyahan sila ng kamatayan dahil may karapatan din ang mga itong magbagong buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,157 total views

 6,157 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,141 total views

 24,141 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,078 total views

 44,078 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,271 total views

 61,271 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,646 total views

 74,646 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,277 total views

 16,277 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,809 total views

 71,809 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 97,624 total views

 97,624 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,936 total views

 135,936 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top