Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, hinimok ng CHR na aktibong manindigan sa kasagraduhan ng buhay

SHARE THE TRUTH

 312 total views

Nanawagan sa Simbahang Katolika ang Commission on Human Rights na mas maging aktibo sa pagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa buhay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biktima ng extra-judicial killings at summary executions sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Bukod sa mga pari, madre at Obispo, partikular na nanawagan si CHR Chairperson Jose Luis Martin Gascon sa mga taong Simbahan at mga mananampalataya na aktibong manindigan sa kasagraduhan ng buhay.

“Alam niyo, nung panahon ng diktaturya malaki yung papel na ginampanan ng Simbahan at mukhang sa kasalukuyang panahon na may ganitong malaking pagsubok ay muli may panawagan sa Simbahan hindi lamang po sa mga pari, madre at Obispo pero maging sa mga taong Simbahan na manindigan para sa mga prinsipyo ng Kristiyanismo partikular yung prinsipyo ng pangangalaga at pagpapahalaga sa buhay. Ibig sabihin may active citizenship muli ang ating mga alagad ng Simbahang Katolika…” panawagan ni Gascon sa Radio Veritas.

Iginiit ni Gascon na malaki ang papel na ginagampanan ng Simbahan sa paghubog sa tamang moral ng lipunan kaya’t napakahalaga ang paninindigan nito sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police mula unang araw ng Hulyo hanggang ika-23 ng Agosto ay tinatayang umabot na sa 1,916 ang kabuuang bilang ng mga namatay, sa bilang na ito, 756 ang namatay sa gitna ng mga operasyon ng mga pulis habang itinuturing naman ng PNP na death under investigation ang 1,160 kaso ng pagkamatay na hinihinalang kagagawan ng mga vigilante at hindi pa nakikilalang mga salarin.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika maging ng gobyerno ang sinasabing gawain lalo na at sinisentensiyahan ng kamatayan ang mga indibidwal na nagkasala na isang paglabag sa kanilang karapatan na mabuhay at maipagtanggol ang kanilang sarili sa harapan ng hukuman.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,208 total views

 10,208 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,168 total views

 24,168 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,320 total views

 41,320 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,757 total views

 91,757 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,677 total views

 107,677 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 14,902 total views

 14,902 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,191 total views

 23,191 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top