Mga Pinoy sa Myanmar, pinag-iingat ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Pinag-iingat ng opisyal ng migrant’s ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Filipino sa Myanmar kaugnay sa nagaganap na kudeta.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, mahalagang manatiling kalmado ang mga OFW sa lugar at iwasan ang pagpunta sa mga pampublikong lugar upang makaiwas sa karahasan.

“To our OFWs please remain calm and always be careful, always taking into consideration your personal safety; Just focus on works and avoid any place, any grouping which will endanger your stay and your works,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng obispo na sa mga panahon ng karahasan at kaguluhan bukod tanging panalangin at pagsusumamo sa Panginoon ang nararapat na gawin upang higit na manaig ang pagkakaisa at kapayapaan.

Unang araw ng Pebrero ng magkudeta ang militar ng Myanmar laban sa mga nahalal na opisyal mula sa National League for Democracy at inaresto ang civilian leader nacsi Aung San Suu Kyi.

Ang ugat ng pag-aklas ng militar ay bunsod ng akusasyong iregularidad sa nangyaring halalan noong Nobyembre sa magkatunggaling National League for Democracy at military supported Union Solidarity and Development Party.

Umaasa si Bishop Santos na higit manaig ang katarungan at isaalang-alang kabutihan ng nakararami.

“Let us turn to God that with His guidance and grace there will be no violence and common good would always prevail,” dagdag ni Bishop Santos.

Batay sa huling datos ng Department of Foreign Affairs tinatayang humigit kumulang sa 1, 300 ang mga Filipino sa Myanmar sa kasalukuyan.



Pinaalalahanan naman ng embahada ng Pilipinas ang mga Filipino sa lugar na manatiling mag-ingat at alerto sa lahat ng panahon at maaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa kung kinakailangan sa mga telepono 01 558149-153 at 09250765938.

Panawagan ni Bishop Santos sa mamamayan na magkaisang ipanalangin na mahinto na ang kaguluhan sa Myanmar.
“Together also we pray and offer for Myanmar for peace and harmony,” giit ni Bishop Santos.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 5,628 total reads

 5,628 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 17,253 total reads

 17,253 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 122,044 total reads

 122,044 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 162,602 total reads

 162,602 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 183,056 total reads

 183,056 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 231,196 total reads

 231,196 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top