Church-based group, umaasang maisasantabi ang anti-terror law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 796 total reads

Naniniwala ang church-based labor group na higit lamang na magpapalala ang Anti-Terrorism Law sa kalagayang pang-ekonomiya at panlipunan kinahaharap ng mga Filipino.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng Church People- Workers Solidarity (CWS), ang batas ay hindi magdudulot ng pag-unlad sa buhay ng mga mamamayan na patuloy na humaharap sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa halip, ayon sa obispo ay magdudulot pa ng pagkakalantad sa karahasan ng mga maling mapaparatangang kalaban ng bayan.

Paliwanag ng Obispo, dulot ng malawakang red-tagging ng pamahalaan sa iba’t ibang personalidad ay nasaksihan na rin ng mamamayan ang panganib na maaaring idulot sa mga hinihinalang kasapi ng mga komunistang grupo na itinuturing na kalaban ng gobyerno.

Kabilang na ayon kay Bishop Alminaza ang mga pagbabanta, pang-aabuso at pagpaslang sa mga pinaratangang kabilang sa komunistang grupo.

“Recent incidents’ of red-tagging by government agents against church and health workers in Negros resulted to the killings. Last week, death treats sent via text messages were sent to union leaders and prominent activist in Cebu. The perpetuators of this killings, threats, intimidations and harassment are emboldened to continue their criminal acts because of ATL,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, higit na kinakailangan sa ngayon ng pagkakaisa ng lahat upang ipanalangin ang kaliwanagan ng isip at paninindigan ng mga mahistrado sa Korte Suprema kaugnay sa mga panganib na dulot ng Anti-Terror Law sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

“We invite church people-religious, priests, bishops and lay workers to gather in prayer in their respective communities during this historic day. Let us join hands in prayer for our magistrates in the Supreme Court that GOD may enlighten their hearts and minds to heed the voice of the people, defend the truth, and junk the dreaded terror bill.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.



Umaasa rin si Bishop Alminaza na susuriing mabuti ng mga mahistrado ang mga argumento ng 37-petisyon na inihain sa Korte Suprema na kumukwesyon sa legalidad ng Anti-Terror Law.

Lalu na ayon sa obispo ang section-4 na naglalaman sa malawak na pakahulugan ng terorismo na maaaring magamit laban sa mga inosenteng mamamayan at samahan maging sa Simbahan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 4,989 total reads

 4,989 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 5,113 total reads

 5,113 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 18,772 total reads

 18,772 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 141,462 total reads

 141,462 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 191,826 total reads

 191,826 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 318,884 total reads

 318,884 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 403,527 total reads

 403,527 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top