Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapahalaga sa buhay, pagpapakita ng tunay na pag-ibig.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,584 total views

Hindi tunay na pag-ibig ang pag-ibig na humahadlang sa buhay.

Ito ang mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso kasabay ng Pro-Life Sunday.

Ayon sa Obispo, mahalagang bigyang-pansin at igalang ang buhay ng bawat isa dahil ito ang nagpapakita ng tunay na simbolo at kahulugan ng pag-ibig.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo na hindi tunay ang pag-ibig ng isang tao kung ang layunin lamang nito’y hadlangan ang karapatang mabuhay na nagpapahiwatig naman ng pagiging makasarili at makasalanan.

“Ang tunay na pag-ibig ay nagdadala ng buhay. Kaya ang pag-ibig na pumipigil sa buhay ay makasarili, hindi tunay na pag-ibig,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat naman ng Obispo ang bawat isa na dapat na mas itaguyod at unahin ang kahalagahan ng buhay sa halip na piliin ang pangsariling kagustuhan at kapakanan.

Ito’y dahil ang pagiging makasarili ay nag-uudyok upang hadlangan ang karapatan ng buhay at ipakita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na nauna nang itinuro sa atin ng Diyos na gawin sa kapwa.

“Kaya po ngayong Valentine’s day, i-promote po natin ang pag-ibig na nagbibigay ng buhay. Ang pag-ibig na responsable sa iba at hindi lang para sa sarili… Mas nauuna po ang buhay kaysa sa choice. At ang choice nga natin ay ginagamit natin upang i-promote ang buhay, hindi po upang hadlangan ang buhay.” ayon sa Obispo.

Ayon sa pahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco, ang tunay na kahulugan ng pagmamahal ng Diyos ay iniaakay tayo upang higit pang maunawaan na ang pag-ibig ay ang kahulugan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 51,564 total views

 51,564 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 119,052 total views

 119,052 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 140,117 total views

 140,117 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 161,848 total views

 161,848 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 195,260 total views

 195,260 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top