Urban gardening, makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total reads

Naniniwala ang Department of Agrarian Reform (DAR)na makatutulong ang urban gardening sa pagsugpo ng kagutuman sa bansa lalu na sa mga lungsod.

Umaasa rin si Agrarian Secretary Bro. John Castriciones na matutuhan ng mga taga-lunsod ang pagtatanim sa kanilang mga bakuran.

Ito ang mensahe ng kalihim sa inlunsad na ikatlong ‘Buhay sa Gulay’ project ng kagawaran sa Caloocan City.

“Through this project (Buhay sa Gulay) sana maging model ito para sa mga nakatira sa syudad para magtanim sapagkat malaking tulong ito sa food supply natin,” pahayag ni Castriciones sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng kalihim mabisa rin itong tugon sa suliranin ng kagutuman at kahirapan sa bansa na pinalala pa ng coronavirus pandemic.

Sa isang survey ng Social Weather Station (SWS) naitala ang mahigit apat na milyong pamilya ang nagugutom dahil sa kawalan ng sapat na pagkain at nawalan ng pagkakakitaan makaraang malugi ang ilang negosyo sa bansa.

Tiwala rin si Castriciones na makatutulong ang urban gardening na mapalakas ang sektor ng agrikultura at magkaroon ng kabuhayan ang maralitang tagalunsod.



Paliwanag ng kalihim na kasabay ng pag-unlad sa sektor ng agrikultura ay muling uusbong at makabangon ang bumagsak na ekonomiya ng bansa na sa tala ng Philippine Statistics Authority nasa 9.5 porsyento ang pagbaba ng Gross Domestic Product ng bansa noong 2020 ang pinakamalalang pagbagsak ng ekonomiya makalipas ang ikalawang digmaang pandaigdig.

“Kapag natutukan at mapalakas natin ang sektor ng agrikultura, uunlad din ang ekonomiya ng ating bansa,” dagdag ng kalihim.

Unang naglaan ang St. John Bosco Parish sa Tondo Manila ng halos isang ektarya para sa Buhay sa Gulay, sumunod naman ang Quezon City na pitong ektarya habang isang ektarya naman sa Caloocan City.

Tiniyak ng DAR na paiigtingin ang proyekto sa iba pang mga syudad sa Metro Manila at mga lalawigan sa bansa.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 5,116 total reads

 5,116 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 59,638 total reads

 59,638 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 96,429 total reads

 96,429 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 128,693 total reads

 128,693 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 179,312 total reads

 179,312 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,930 total reads

 240,930 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top