Mananampalataya, hinimok na suportahan ang Alay Kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 681 total reads

Hinimok ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na suportahan ang Alay Kapwa program ng simbahan.

Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa pagpasok ng panahon ng kuwaresma.

Nawa’y isabuhay ng mananampalataya ang diwa ng kuwaresma na panalangin, pag-aayuno at paglilimos bilang pakikiisa sa sakripisyo ng Panginoon.

“The best expression of almsgiving is Alay Kapwa; kahit sa kaunting tulong kapag pinagsama-sama marami na tayong matutulungan,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na ang pondo ng Alay Kapwa noong nakalipas na taon ay inilaan para sa rehabilitation program ng Caritas Philippines sa mga labis naapektuhan ng bagyong Rolly at Ullysses at maging sa mga biktima ng sunod-sunod na lindol sa Mindanao.

Sa kabila ng limitadong pondo dahil na rin sa epekto ng pandemya, milyong indibidwal pa rin ang natulungan ng simbahan na makaahon sa epekto ng mga kalamidad habang nagpapatuloy din ang iba pang programa ng social arm ng CBCP tulad ng scholarship program sa mahihirap na kabataan.

“Ang pagtulong sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos, Kapwa ko Pananagutan ko,” giit ni Bishop Bagaforo.

Pebrero 15,2021 nang lumagda ng kasunduan ang Caritas Philippines at ABS-CBN para higit isulong ang Alay Kapwa kung saan inilunsad na rin ang online platform ng pagbibigay ng donasyon sa naturang programa gamit ang mga digital platforms gaya ng Gcash, Paymaya at iba pa.

Umaasa ang obispo na gawing makabuluhan ng mananampalataya ang lenten season sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga social programs ng simbahang katolika.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 13,562 total reads

 13,562 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 31,980 total reads

 31,980 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 134,397 total reads

 134,397 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 174,955 total reads

 174,955 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 195,409 total reads

 195,409 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 243,006 total reads

 243,006 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top