Mula saan dapat iligtas ang mga batang lumad?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 382 total views

Mga Kapanalig, hindi rescue operation kundi raid ang ginawa ng mga pulis sa isang retreat house sa Cebu noong nakaraang linggo kung saan iniligtas nila umano ang mga batang lumad na kinupkop doon upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Sa isang dapat ay tahimik na lugar, umalingawngaw ang sigawan ng mga batang lumad na pilit kinuha ng mga pulis at kawani ng DSWD upang iligtas sila mula sa anila’y mga nag-uudyok sa kanilang sumapi sa New People’s Army. Giit ng mga awtoridad, tumugon lamang sila sa panawagan ng ilang magulang para iligtas ang kanilang mga anak na dalawang taon nang hindi umuuwi sa kanila. Sa 26 kataong inaresto, 19 ang menor de edad. Ginawa nila ang paghuli nang walang pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng University of San Carlos (o USC) kung nasaan ang retreat house na pinangangasiwaan ng mga paring SVD o Societas Verbi Divini Philippines.



Paglilinaw ng Save Our Schools Network, isang grupong tumutulong sa mga mag-aaral na lumad na biktima ng militarisasyon sa kani-kanilang lugar, naroon ang mga bata sa Tamban Campus ng USC sa Cebu City upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Patuloy kasi ang karahasan sa kanilang lugar sa Davao del Norte kung saan nagbabakbakan ang mga sundalo, kasama ang mga tinatawag na paramilitary members, at mga rebeldeng NPA. Ang pagtungo sa Cebu, kung saan tinanggap sila ng mga paring SVD at ng Archdiocese ng Cebu, ay bunsod ng pagbabanta sa buhay ng mga guro at mag-aaral sa mga paaralan ng mga katutubo at ng pagpilit sa kanilang lisanin ang kanilang lupang-ninuno na nais daw kamkamin para sa pagmimina. Dumating sila sa Cebu noong Marso 2020 at inaasahang bumalik sa Davao del Norte sa Abril kapag matapos na ang kanilang modular schooling, ngunit naabutan na nga sila ng lockdown dahil sa COVID-19. Nang bahagyang lumuwag ang mga travel restrictions, nagplano rin silang bumalik sa kanilang lugar, ngunit lubhang magastos ang mga requirements upang makauwi sila katulad ng swab tests.

Matagal nang mainit sa mga mata ng pamahalaan ang mga paaralan ng mga katutubo sa Mindanao dahil sa paniniwalang nagtuturo ang mga ito ng mga ideolohiyang nag-uudyok sa mga mag-aaral na magrebelde. Kung inyong matatandaan, ipinasara noong Oktubre 2019  ng Department of Education ang 55 paaralan ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Centers sa Davao region dahil maliban sa hindi raw paggamit sa curriculum ng DepEd at sa pagdadala ng mga estudyante sa mga paaralan nang walang pahintulot ng mga magulang (bagay na dapat ding imbestigahan), hinihikayat daw ng mga guro ang mga mag-aaral na sumapi sa mga makakaliwang grupo. At hindi ba’t minsan nang nagbanta si Pangulong Duterte na bobombahin ang mga paaralan ng mga lumad dahil din sa ganitong paniniwalang wala namang matibay na ebidensya?

Binuksan ng ating Simbahan, sa pangunguna ng mga paring SVD at ng Archdiocese of Cebu, ang pinto nito para sa mga batang bakwit at mga katutubo dahil naniniwala tayong ang pagkiling sa maliliit sa ating lipunan at mga biktima ng pagmamalabis sa kapangyarihan at karahasan ay ang kahulugan ng pagsunod kay Hesus na pumanig sa mahihirap at isinasantabi ng lipunan. Ito rin ang nasasaad sa Mga Kawikaan 31:8-9, “Ipagtanggol mo ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Mga Kapanalig, kailangang iligtas ang mga batang bakwit hindi mula sa edukasyong nagmumulat sa kanilang mga mata at isip, kundi mula sa karahasan sa kanilang lupang-ninuno na ang pamahalaan din ang may kagagawan. Ang karahasang ito ang tunay na nagtutulak sa mga kababayan nating gumamit din sa karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 121,994 total views

 121,994 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 152,216 total views

 152,216 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 178,864 total views

 178,864 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 273,837 total views

 273,837 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 286,980 total views

 286,980 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 121,995 total views

 121,995 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 152,217 total views

 152,217 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 178,865 total views

 178,865 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 273,838 total views

 273,838 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top