Climate Change at ang Pagkalat ng mga Bagong Sakit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total views

Marami sa atin ang mas pinipiling magbulag-bulagan sa realidad ng climate change. Katwiran ng iba, marami pang mga problema sa mundo na mas “urgent” kaysa climate change, gaya ng pandemya ngayon.

Kapanalig, hindi man natin direktang maiugnay sa climate change ang mabilisang pagkalat ng COVID 19 sa buong mundo, makikita naman natin na ang pagbabago ng klima ay nagbabago rin ng pagkilos ng tao at hayop sa mundo. Ang mga pagbabagong ito ay maaring maging sanhi rin ng paglipat at pagkalat ng iba-ibang sakit, mga sakit na gaya ng COVID 19, ay bago sa kasaysayan ng buong mundo.

Isang halimbawa, kapanalig – habang lalong umiinit ang mundo,  maraming mga hayop ang nag-ma-migrate at nababago rin ng patterns of migration. Sa pagbabagong ito, marami silang nakakasalamuhang mga tao at hayop  na dati nilang hindi nakakasalamuha. Ang pagbabago sa galawan ng hayop at tao ay oportunidad para sa hawaan.

Isa pa ring halimbawa, kapanalig – dahil sa climate change at ang dala nitong pagbabago sa lakas at pwersa ng mga natural disasters, maraming mga hayop ang nawawalan ng tirahan. Sa kanilang pagpuga sa kanilang mga lungga, nakakasalubong din sila ng mga ibang hayop at tao – at ayan – pagkakataon na naman na maglipat lipat ang mga pathogens na maaring magsimula ng panibagong pandemya.

Lahat sa mundo ay magkaka-ugnay. Pagdating sa issue ng climate change, ang pagkaka-ugnay ng lahat ng nilikha ay mas matingkad. Ayon nga sa Laudato Si, “God has joined us so closely to the world around us that we can feel the desertification of the soil almost as a physical ailment, and the extinction of a species as a painful disfigurement.” Ang anumang sakit na nararamdaman ng mundo ay nararamdaman din ng lahat ng tao.

Halimbawa ng kaugnayan na ito ay ang pagtaas ng bilang ng pagkakasakit at kamatayan sanhi ng polusyon. Ayon nga sa WHO, ang magkasamang epekto ng polusyon sa kalawakan pati sa kabahayan ay nagdudulot ng humigit kumulang na 7 milyong premature o hindi ina-asahang kamatayan kada taon. Sa panahon ng pandemyang nagnanakaw ng kakayahan ng maraming tao makahinga ng maayos, ang pagtaas pa ng polusyon at iba pang epekto ng climate change ay mas magpapalala pa ng sitwasyon.

Kapanalig, ang climate change, may pandemya man o wala, ay isang urgent global issue. Huwag nating kalilimutan ito. Ang kawalan ng aksyon sa isyung ito ay katumbas ng panonood lamang sa mabagal na pagliyab ng nag-iisa mong tahanan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagkakaibigan, mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo- Papal Nuncio sa mananampalataya

 207 total views

Binigyang-diin ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ang tunay na pagkakaibigan na nakaugat kay Hesukristo ang mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Sa kanyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), sinabi ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang pagkakaibigan ay isa sa pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao, kasunod lamang ng mismong buhay, sapagkat ito ang nagpapatatag sa mga pamayanan at nagbibigay ng tunay na kagalakan at pag-asa.

Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nakabatay sa pakinabang o pansariling interes kundi sa kalayaan, kabutihang-loob, at tapat na pagmamahal sa kapwa.

“Friendship is truly one of life’s greatest treasures, next only to the gift of life itself. Even wealth without friends feels empty when compared to the joy of good friendship. Friendship strengthens communities and transforms ordinary connections into lasting happiness. Without it, life becomes incomplete and burdensome. This is not merely because we are social beings, but because friendship is a vital bond rooted in freedom, generosity, and goodwill. Friendship is more than duty or utility.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din nito ang turo ni San Agustin na ang tunay na kaibigan ay nananatiling tapat sa anumang kalagayan ng buhay.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pagkakaibigan ay higit pang nagiging ganap sa pananampalatayang Kristiyano sapagkat ito ay nagiging pakikipagkaisa kay Kristo na humahamon sa mga mananampalataya na sama-samang maglingkod, ipagtanggol ang pananampalataya, at pangalagaan ang pagkakaisa ng Simbahan.

“In our mission as Christians, friendship means communion in Christ. Together we strive for the faith, resist false teachings, and guard against discord,” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ipinaalala rin ng kinatawan ng Santo Papa na ang sukdulang larawan ng pagkakaibigan ay ipinakita mismo ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pag-aalay ng buhay para sa Kanyang mga kaibigan.

Kasabay nito ay binati ni Archbishop Brown si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang mga obispo, pari, mga nakatalaga sa buhay-relihiyoso, layko, at lalo na ang mga kabataang kalahok sa kumperensya, at hinikayat ang lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkakaibigang nagmumula kay Kristo bilang daan sa masiglang misyon ng ebanghelisasyon.

Isinagawa ang 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) noong Hulyo 24 hanggang 26, 2026 sa University of Santo Tomas sa Maynila na may temang “Sangkay: I Have Called You Friends” (Jn. 15:15), na naglalayong palalimin ang pakikipagkaibigan kay Hesus at paigtingin ang pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa misyon ng Simbahan.

SONA ng Sambayanan 2026, isasabay sa SONA ni PBBM

 1,445 total views

Iginiit ni Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, na layunin ng SONA ng Sambayanan 2026 na maiparating ang tunay na kalagayan at hinaing ng mamamayan kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay Tendero, ang SONA ng Sambayanan ay hindi isang pagkilos upang maghasik ng kaguluhan o pagkakahati-hati, kundi isang mapayapang pagkakataon upang marinig ang boses ng mga ordinaryong Pilipino mula sa iba’t ibang sektor at panig ng bansa.

“Ang SONA ng Sambayanan ay ang pagpapahayag ng mga tao para sa kanilang kalagayan, para sa kanilang pagnanasa, para sa kanilang kahilingan, para sa magandang kinabukasan ng ating bayan. Hindi ito panggulo, hindi ito pagkakahati-hati, kundi nagkakaisa tayo na ipahayag ang ating damdamin at ang tunay na kalagayan ng ating lipunan,” pahayag ni Tendero sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng Evangelical Bishop na mahalagang mailahad ang kalagayan ng mga nasa kanayunan, mga maralitang pamilya, manggagawa, at iba pang sektor na patuloy na nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa batayang serbisyo.

Aniya, ang panawagan ng SONA ng Sambayanan ay hindi lamang para sa Metro Manila kundi para sa lahat ng komunidad sa buong bansa.

Kasabay nito, hinimok ni Tendero ang mamamayan na samahan ng panalangin ang kanilang paninindigan upang gabayan ng Diyos ang mga namumuno at maisulong ang mabuting pamamahala.

“Lumapit tayo sa Diyos, manalangin, at hingin ang Kanyang gabay at patnubay upang ang mga namamahala sa atin ay gampanan ang kanilang tungkulin, masansala ang kasamaan, at mabigyang pagkilala ang gumagawa ng mabuti,” ani Tendero.

Binigyang-diin din ng opisyal ng World Evangelical Alliance na ang pamumuno at politika ay isang pananagutang nakatuon sa paglilingkod at hindi sa pansariling interes.

“Ang ating pamamahala at ang politika ay hindi hanapbuhay, ito ay nagbibigay-buhay. Ang ating panawagan ay mamuhay tayo nang may dangal, kaayusan, katarungan, at kapayapaan sa ating bayan, bunga ng pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa at sa Pilipinas,” dagdag ni Tendero.

Ang nakatakdang SONA ng Sambayanan ay pangununahan ng Inter-Religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM).

Hindi sapat na bahagi lamang ng buhay ng tao si Hesus, kundi dapat siya ang sentro

 1,764 total views

Hinimok ng Canadian theologian at co-founder ng Catholic Christian Outreach (CCO) na si André Regnier ang mga mananampalataya na huwag manatili sa kaalamang pangkaisipan si Hesus kundi magpasya ng personal na tugon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglalagay kay Kristo bilang sentro ng kanilang buhay.

Sa bahagi ng Prayer Pathways sa unang araw ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), ipinaalala ni Regnier na bagama’t mahalagang maunawaan ang katauhan ni Hesus at ang Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi sapat ang paghanga o paniniwala mula sa malayo upang magkaroon ng tunay na ugnayan sa Panginoon.

“It is essential that we understand who Jesus is and what He has done for us. But knowing these truths intellectually is not enough. Simply believing them from a distance is not enough,” Bahagi ng pahayag ni Regnier.

Upang higit na maipaliwanag ang kahalagahan ng personal na pagtugon sa paanyaya ni Kristo, ibinahagi ni Regnier ang karanasan noong araw ng kanyang kasal kung saan hindi naging ganap ang kanilang tipan ng kanyang asawa hangga’t hindi nito naipapahayag ang salitang “I do” sa ilalim ng sakramento ng kasal.

Ayon kay Regnier, tulad ng pag-aasawa, nangangailangan din ng malayang pagtugon ang pakikipagkaibigan kay Hesus.

“Jesus has already offered us His friendship. The question is: Will we say yes?” Dagdag pa ni Regnier.

Hinamon din nito ang mga dumalo na suriin ang kanilang espirituwal na kalagayan sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Hesus ba ay bahagi lamang ng kanilang buhay o tunay nang nasa pinakasentro nito.

“I’m not asking whether you’re a perfect Christian. I’m asking something much deeper. Where is Jesus in your life? Is He simply a part of your life? Or is He truly at the centre of your life?” Ayon pa kay Regnier.

Binigyang-diin din ni Regnier ang pahayag ni Pope Benedict XVI na nagsasabing walang mawawala sa sinumang magbubukas ng kanyang puso kay Kristo kundi sa halip ay matatanggap ang ganap na buhay.

“If we let Christ into our lives, He takes nothing away, and He gives you everything… Open wide the doors to Christ, and you will find true life,” pagbabahagi niya mula sa turo ng dating Santo Papa.

Kasunod nito ay inimbitahan ni Regnier ang mga kalahok na personal na ialay ang kanilang buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng Prayer of Commitment, kung saan sama-samang idinalangin ang pagtanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay.

Nagtapos ang sesyon sa pamamagitan ng tahimik na panalangin at paghingi ng panibagong paggabay ng Espiritu Santo, habang paulit-ulit na inaanyayahan ang mga kalahok na manalangin ng, “Come, Holy Spirit,” bilang panawagan ng patuloy na pagbabagong-loob at mas malalim na pakikipagkaisa kay Kristo.

Isinasagawa ang Prayer Pathways bilang isa sa mga pangunahing espirituwal na gawain ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na naglalayong akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas malalim na personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo at panibagong sigla sa misyon ng ebanghelisasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 49,107 total views

 49,107 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,398 total views

 77,398 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 123,329 total views

 123,329 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 156,412 total views

 156,412 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 181,562 total views

 181,562 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 49,108 total views

 49,108 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,399 total views

 77,399 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 123,330 total views

 123,330 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 156,413 total views

 156,413 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »
Scroll to Top