LGU ng Pasig, Pateros, at Taguig, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,420 total reads

Kinilala ng Diocese of Pasig ang maayos na pamamalakad ng lokal na pamahalaan ng Pasig, Pateros, at Taguig sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, saksi ang diyosesis sa maayos na pangangasiwa ng lokal na pamahalaan upang tugunan ang krisis na dulot ng pandemya gayundin ang pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pakikipagtulungan ng Simbahan sa lokal na pamahalaan ng upang maipatupad parin ang mga safety health protocol bilang pag-iingat mula sa banta ng COVID-19 virus.

Paliwanag ni Bishop Vergara, mahalaga ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ng diyosesis at ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa tatlong syudad na nasasakupan ng Diyosesis ng Pasig upang tugunan ang epekto ng pandemya.

Binigyang diin rin ng Obispo na dahil sa hindi pa rin ganap na nakakahanap ng lunas sa COVID-19 virus at tumataas pa rin ang kaso ng sakit sa bansa ay mahalagang patuloy na maipatupad ang mga pag-iingat mula sa higit pang pagkalay ng sakit.

“Makikita naman natin kasi itong Diocese of Pasig comprises of Pasig City, Pateros and Taguig City so far naman po maganda naman po ang management ng aming mga LGU head dito sa pandemya. Mayroon pa rin pong mga report doon sa mga infected at nandoon pa rin yung vigilance po natin with regards to how we can be able to implement strict health protocols…” Ang bahagi ng pahayag ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Vergara ang bawat parokya sa diyosesis ay nakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma na itinuturing na isang mahalagang panahon para sa mga mananamapalatayang Katoliko.

Umaasa naman ang Obispo sa pakikipagtulungan at pagsunod ng mga mananamapalataya sa lahat ng mga panuntunan na naglalayong matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

“In fact Sa mga parishes po namin we are also cooperating well with our LGU representatives lalo na sa mga services and we hope even as we start this [Lenten season] ganundin yung mangyayari, makikipag-ugnay ng mabuti sa ating mga LGU point persons na tinitingnan at mino-monitor yung mga pumapasok sa ating mga Simbahan na ipinatutupad yung ating mga health protocol…” Dagdag pa ni Bishop Vergara
.
Nauna ng ibinahagi ng Obispo na siya ring Southwest Luzon Regional Representative ng Catholic Bishops Conference of Philippines (CBCP) na napapanahon ang pagpapababago ng panuntunan ng pamahalaan na pagtataas ng limitasyon sa mga makadalo sa mga banal na pagdiriwang sa 50-porsyento ng kapasidad sa mga Simbahan sa mga lugar na nasa GCQ.

Batay sa tala, may aabot sa 30 ang mga parokya sa Diocese of Pasig na nangangasiwa sa buhay espiritwal ng mahigit 1-milyong mananamapalataya mula sa mga syudad ng Pasig, Pateros at Taguig.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 23,754 total reads

 23,754 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 110,401 total reads

 110,401 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 157,140 total reads

 157,140 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 205,012 total reads

 205,012 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 307,804 total reads

 307,804 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top