Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 519 total reads

Ang gumagapang na init ng panahon ngayon sa atin ay hindi lamang dapat nagpapa-alala ng nalalapit na tag-init. Ito dapat ay nagpapahiwatig na rin sa atin ng mabilis na pagkawala ng mga halaman sa ating paligid. Dati rati kapanalig, kahit dito sa Metro Manila, ma-puno pa. Ngayon, puro kongkreto ang ating nakikita, at mga nakakalbong mga kapatagan at bulubundukin.

Ayon sa WWF Philippines, tinatayang mga 47,000 na hektarya ng ating kagubatan ang nawawala kada taon dahil sa kalat na illegal logging at pag-gambala sa mga protected areas ng bansa. Ayon naman sa DENR, ang kasalukuyang forest cover ng bansa ay nasa 7.014 million hectares lamang, na malayo sa 1934 forest cover na 17.8 million hectares. Dito nga sa Metro Manila, nawala na ang mga green spaces sa ating paligid. Isa ng malaking concrete jungle and megacity na ito, at sa proseso, mas lalong uminit ang kapaligiran. Ngayong darating na summer, mas madadama pa natin ito.

Kapanalig, ang pagkawala ng ating mga kagubatan ay senyales ng pagkawala ng balanse sa ating kapaligiran. Dahil sa pangyayaring ito, hindi lamang umiinit ang ating kapaligiran, nalalagay din sa peligro ang ating mga buhay. Ang kawalan ng puno sa paligid ay senyales ng mas malubhang baha na darating sa tag-ulan, pati na rin ang malawakang landslide at rockslide.

Bakit nga ba nawawala ang mga puno sa maraming lugar sa ating bansa?

Kapanalig, ang urbanisasyong walang pakialam sa balanse at sustainability ng kalikasan ay isa sa mga dahilan ng kawalan ng puno sa maraming lugar sa ating bansa. Maraming mga housing development sites sa bansa ay nakakaligtaan ang maayos na drainage, kasama ang paglalatag ng luntiang mga espasyo. Maski mga sidewalks natin, tinanggalan na natin ng mga puno. Kung mapapansin niyo, dati rati ang ating mga street islands, mayabong pa ang mga halaman at puno. Pinapalamig nila ang ating mga kalye at pinapaganda ang mga kapaligiran. Ngayon, maging sila ay naging kalbo na rin.



Kapanalig, ang mga puno at iba pang halaman sa ating syudad, ang mga luntiang espasyo sa ating paligid ay hindi lamang mga palamuti. Sila ay nagbibigay buhay sa ating kapaligiran, nagbabawas ng mga emisyon sa hangin, at panangga rin sa init at lamig. Kailangan natin sila upang mabuhay. Ayon nga sa mga eksperto, ang kawalan ng forest cover ay kawalan din ng proteksyon sa mga sakit. Maraming mga umuusbong na sakit sa ating paligid, gaya ng mga sakit na lumilipat sa hayop tungo sa tao ay maiiwasan kung ang mga tahanan ng hayop, gaya ng kagubatan, ay mayabong na umiiral.

Ang mga kataga ni Pope John Paul II sa The Ecological Crisis: A Common Responsibility ay nagpapa-alala sa atin na pangalagaan natin ang kalikasan. Ayon dito, hindi natin pwedeng galawin ang ating kapaligiran na hindi man lamang iniisip ang kahihinatnan nito. Sinisira natin ang balanse ng mundo, at sa proseso, sinisira din natin ang kinabukasan ng sangkatauhan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,733 total reads

 22,733 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,888 total reads

 3,888 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,449 total reads

 40,449 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,855 total reads

 96,855 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,336 total reads

 220,336 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GUILTY?

 3,889 total reads

 3,889 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,450 total reads

 40,450 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,856 total reads

 96,856 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top