Pagkakaisa ng mamamayan sa Iraq, kahilingan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

Hiling ng Santo Papa Francisco ang pagkakaisa ng mamamayan ng Iraq.

Ito ang layunin ng pinunong pastol ng simbahang katolika sa nakatakdang pagbisita sa Iraq sa Marso 5 hanggang 8.

Hinimok nito ang lahat ng religious leaders sa bansa na palakasin ang ugnayan upang tunay na makamtan ang pagbubuklod-buklod ng mamamayan.

“Together with the other religious leaders, we shall also take another step forward in brotherhood among believers,” mensahe ni Pope Francis.

Pagdating ng Santo Papa sa Iraq ay gaganapin ang welcome ceremony sa Presidential Palace sa Baghdad na susundan ng pagpupulong nina Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi.



Makipagpulong din si Pope Francis kay Iraq President Barham Salih, sa mga lider ng iba’t ibang sektor, mga obispo, pari, relihiyoso, katekista na gaganapin sa Syro-Catholic Cathedral ng Our Lady of Salvation sa Baghdad.

Bibisitahin din ng Santo Papa si Grand Ayatollah Sistani, ang kilalang Iraqi Shia marja sa Najuf, pakikipagpulong sa Interreligious leaders sa Ur at pagdiriwang ng banal na misa sa Chaldean Cathedral ng Saint Joseph.

Dadalawin din ni Pope Francis ang pangulo at prime minister ng Erbil autonomous region, mag-alay ng panalangin sa mga biktima ng digmaan sa Hosh al-Bieaa sa Mosul at sa Qaraqosh community.

Mahigit dalawang dekada ng naghintay ang kalahating milyong katoliko ng Iraq sa pagdalaw ng Santo Papa makaraang ipinagpaliban ng pangulo ng Iraq ang pagdalaw noon ni St. John Paul II dahil sa digmaan.

“For a long time I have wanted to meet those people who have suffered so much; to meet that martyred Church in the land of Abraham,” giit ng Santo Papa.

Hiling ni Pope Francis sa mananampalataya ang panalangin para sa nakatakdang apostolic visit na nawa’y magbunga ito ng pagkakaisa, kapayapaan at higit na maipalaganap ang pagmamahalan ng bawat mamamayan

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,041 total reads

 22,041 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,168 total reads

 22,168 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,386 total reads

 39,386 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,792 total reads

 95,792 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,293 total reads

 219,293 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,714 total reads

 302,714 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top