Cardinal Tagle, nanawagan ng ecological conversion at ecological justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Hinikayat ng opisyal ng Vatican ang mga mananampalataya na matutong itaguyod ang pangangalaga at pagpapanatili sa ating nag-iisang tahanan.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples kaugnay sa programang National Laudato Si na inilunsad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – National Secretariat for Social Action o Caritas Philippines at Global Catholic Climate Movement – Pilipinas.

Layunin ng programang ito na palaganapin ang wastong pagpapanatili at pangangalaga ng kalikasan na magsisilbing gabay ng mga simbahan sa buong bansa.

Ayon kay Cardinal Tagle, na pangulo rin ng Caritas Internationalis na hindi lamang ito upang ipahayag ang mga dapat gawin para sa kalikasan, kundi dapat mayroon ding pagkilos na magtataguyod sa karapatan at tunay na pangangalaga sa mga likas na yaman.

“Hindi lang ito pagkakataon para lang magkaroon tayo ng green rhetoric. No! Kailangan po may ecological conversion. Mayroon ding conversion to ecological justice at may action,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Hinikayat naman ng Cardinal na patuloy na ipagdasal ang sangnilikha na nagsisilbi nang tahanan ng lahat ng nabubuhay magmula pa ng ito’y likhain ng Diyos.

Gayundin ang pagkakaroon ng sapat at simpleng pamumuhay na makatutulong sa kalikasan upang muling makapagpahinga mula sa iba’t ibang gawain ng tao.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, ito rin ang magsisilbing pagkakataon upang makapagbahagi naman para sa kapwa lalo na sa mga higit na nangangailangan.

“At the same time we have the capacity to share with other people,”
ayon sa Cardinal.

Binigyang-diin naman ng opisyal ng Vatican na nawa’y alisin na ang konsepto ng pagiging may-ari ng kalikasan sa halip ay isabuhay ang pagiging isang katiwala na tagapagtaguyod ng pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,030 total reads

 22,030 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,157 total reads

 22,157 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,360 total reads

 39,360 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,766 total reads

 95,766 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,267 total reads

 219,267 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,689 total reads

 302,689 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,054 total reads

 176,054 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top