Kabataang Filipino, hinimok ng CBCP na magpatala sa voter’s registration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa mga kabataang nasa wastong edad na magparehistro para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon, ang kapangyarihang bumoto ay isang mahalagang tungkulin at pananagutan para sa bayan.



Iginiit ng Obispo na tanging sa pamamagitan ng pakikibahagi sa halalan at pagpili ng mga karapat-dapat na mga opisyal ay nagkakaroon ng totoong partisipasyon ang taumbayan sa usapin ng pulitika at pamamahala sa bansa.

Binigyan diin ni Bishop Alarcon na ang isang boto ay napakahalaga at makapangyarihan upang magdulot ng pagbabago at pag-unlad sa kinabukasan ng bansa.

“I invite, encourage and urge our young people to register for the upcoming election because yun ang ating contribution at ang atin ding obligation sa society and sa community yung pagpili ng ating mga leaders and that is also how we participate. Elections are times when we participate directly in governance also that is how we also make a difference even by single vote speak of what is call the power of one, kahit isa ka lang napaka-powerful yan.”pahayag ni Bishop sa panayam sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na sa pamamagitan ng internet at makabagong teknolohiya ay maaaring malaman ng mga kabataan kung ano ang dapat na gawin upang mapagparehistro para sa kasalukuyang voter’s registration ng Commission on Elections.



“So I encourage our dear mga kabataan na mag-register, kung hindi niyo alam check on the internet, magtanong sa inyong local office so that you will be able to participate in the upcoming elections.”Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Unang nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga kabataan na hindi pa rehistrado at mga nasa edad 18-taong gulang sa Mayo ng susunod na taon na magparehistro na upang maging isang ganap na botante.

Magtatagal ang kasalukuyang voters registration hanggang sa pagtatapos ng Setyembre ng kasalukuyang taon kung saan target ng komisyon ang pagpapatala ng may 4-na-milyong registrants sa buong bansa.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 4,613 total reads

 4,613 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 146,186 total reads

 146,186 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 180,863 total reads

 180,863 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 198,648 total reads

 198,648 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 235,133 total reads

 235,133 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 244,827 total reads

 244,827 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 4,614 total reads

 4,614 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top